top of page

Todo-banat kay Gov. Vi, nasampulan… CONG. LEVISTE, KINASUHAN NA SA SOLAR PROJECTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 8, 2026



Leandro Legarda Leviste - FB

Photo: Leandro Legarda Leviste - FB



“O, ano ka ngayon, Cong. Leandro Leviste, eh, di nasampahan ka ng kaso ng Department of Energy (DOE) dahil sa solar-solar project mo?” sigaw ng mga kapwa-Vilmanians na nagpipigil lang daw ng inis sa ngayon ay paboritong bumanat kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.


Isyung pulitika raw kasi ito subali’t sa tila sobra-sobra naman daw na pagtira at pang-aalipusta ng kongresista mula sa 1st District ng Batangas, halos wala itong iniligtas sa pamilya ni Ate Vi.


Mula nga sa mahusay at tapat na gobernadora, sa mister nitong si Executive Finance Secretary Ralph Recto, pati si Cong. Ryan Recto at si Luis Manzano, lahat ay idinamay na ng matabil at ubod daw na pasikat at mahilig sa press release na anak ni Sen. Loren Legarda.


Hayan tuloy, pati umano ang mga kuwento tungkol sa pagiging sutil at suwail nitong anak ay naglabasan sa socmed (social media).


May mga tsismis pa ngang pati diumano ang pagiging ‘dakdakera nito na animo’y bakla’ ay lumutang din kasabay na rin ng tila cryptic post ni Ate Vi sa kanyang socmed na nagtatanong ng “BAD SEED. DAW? RAW?”


Sinampahan nga ng Department of Energy (DOE) ng complaint ang Solar Philippines Power Project Holdings Inc. (SPPPHI), ang kumpanyang founded at pag-aari ni Leviste, hinggil sa termination ng 32 out of 43 solar energy contracts at ang imposition ng P24 billion fine for failed project delivery.  


Nagpipigil pa ang mga Vilmanians at Vilmates na resbakan ang kongresista na this early nga raw ay nagpaparamdam ng pagtakbo at pagkalaban kay Gov. Vilma Santos-Recto sa eleksiyon sa 2028.





May mga bashers na anti-Liza Soberano na nagsasabing hindi naman daw dapat gawing big deal ang bonggang feature sa magandang aktres sa online news site na 8and Media sa Japan.


“It was no big at all. Kumbaga rito sa atin, among those lang naman ‘yun. ‘Wag hopia (umasa) sa Hope (Liza) ninyo,” ang nanggagalaiting komento ng mga hindi pa rin maka-move on sa magandang career abroad ni Liza.


Ang naturang online news outlet kasi ay kilala rin sa Japan at ibang bansa bilang venue ng mga feature stories ng mga successful Asian celebrities na nakapag-cross establish ng career sa Hollywood man, Broadway o Bollywood.


Binigyan nga si Liza ng magandang feature story sa nasabing news outlet at doon nakalagay ang bongga nitong ourney sa Hollywood lalo na ang inaabangang Dreamworks project nitong Forgotten Island (FI) na kanyang pagbibidahan.





Still on Liza Soberano, sa nasabing site rin napag-usapan ang sinasabing Japanese producer na based na sa USA (United States of America) na madalas daw ngayong kasama ng aktres along with other Asian celebrities.


Ang naturang produ ang nag-produce ng album niyang HerOism na hindi pa rin naire-release sa ngayon kung saan nga nag-viral ang promo video nitong Red Ferrari kasama ng isang Japanese actor na kapwa sila basang-basa sa ulan.


Subali’t may biglang lumitaw na isyu na ang nasabing produ rin ay may mga kapwa established producers na may dugong Pinoy na ‘fan’ pa rin ng LizQuen at naniniwalang may global audience pa rin ang mga ito.


Dito na pumasok ang tsikang baka may possibility na makagawa uli ng series sa bansa si Liza at agad ngang mina-manifest ng mga fans na sana raw ay ang balik-tambalan na ito ng LizQuen kahit sa series man lang.


But then again, sigaw nga ng mga bashers, “‘Wag nang humopia (umasa)!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page