Todo-ayuda sa mga jeepney drivers… IVANA, GIGIL SA ‘DI MAAYOS NA SISTEMA NG ‘PINAS
- BULGAR

- May 11
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 11, 2026

Photo: IG _ivanaalawi
Pinahanga na naman ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang mga fans matapos siyang magbigay ng ayuda sa ilang jeepney drivers kamakailan.
Sa latest vlog ng aktres-content creator ay mapapanood na dinala niya ang ilang tsuper ng jeep sa grocery upang makapamili ang mga ito ng kanilang mga pangangailangan.
Bukod dito, nagbigay pa siya ng tig- P10,000 cash assistance sa bawat driver upang makatulong sa kanilang mga gastusin.
Ang mas nakaka-touched ay binisita rin ni Ivana ang isang 72-year-old jeepney driver na matatandaang nag-viral kamakailan matapos umiyak dahil hindi nakatanggap ng fuel assistance mula sa gobyerno.
Sinamahan ng aktres ang senior driver sa grocery para mamili at makikita ngang napakarami niyang naibigay para sa matanda.
Binigyan niya rin ito ng P30,000 cash at binilhan ng isang e-bike upang magkaroon pa ito ng iba pang pagkakakitaan bukod sa pamamasada ng jeep.
Not only that, ipina-check-up din niya ang mga mata ng lolong driver upang mas makapagmaneho ito nang maayos.
Sa pakikipag-usap ni Ivana sa mga jeepney drivers ay damang-dama niya ang hirap ng mga ito sa pagtatrabaho para sa maliit na kita.
“Sobrang nanggigigil ako ngayon. Sana ‘yung mga tulong talaga na ibinibigay ng gobyerno natin…. Kasi, mahirap talaga ang buhay nila.
“‘Di ko na-experience ‘yung buhay nila pero sa mga kuwento pa lang nila, grabe!” pahayag ng aktres.
“And pera naman ng tao ‘yun, bakit ‘di mo ibalik nang maayos? Kailangan na kailangan nila ‘yun para sa ikagagaan ng buhay nila,” dagdag niya.
Sey pa niya, “S’yempre, ‘di ko naman matutulungan lahat-lahat, kaya sana, talagang maaksiyunan ‘yan at sana, mas maging maayos ang sistema talaga ng Pilipinas kasi sobrang hirap ng buhay dito. At grabe ‘yung mga pinagdaraanan ng ating mga jeepney drivers. ‘Di lang ‘yung mga jeepney drivers kundi lahat-lahat ng mga nagtatrabaho araw-araw.”
Hiling pa ng aktres, “Sana, maibigay talaga sa kanila ‘yung maayos, ‘yung patas, at ‘yung tama because they deserve it.”
Makabenta lang…
DINGDONG, HANGA KAY MARIAN NA 6 ORAS NAG-LIVE SELLING
Humanga si Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera sa first live selling experience nito sa TikTok na tumagal ng anim (6) na oras.
Inilunsad nga ng aktres ang kanyang bagong skincare line na Vida Essentials sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang live selling at sa video na ipinost ng aktor, makikitang isang malaking tagumpay ang naturang launching.
Kaya naman bilib na bilib ang aktor sa wifey at nagpahatid ng kanyang pagbati sa Facebook (FB).
“Congratulations sa aking misis sa kanyang unang live selling experience. Wow! 6 hours straight of live selling her own product. Kakaibang dedication ‘yan. Congrats!” mensahe ng pagbati ni Dingdong kay Marian.
Nagpahayag din ng paghanga ang aktor sa iba pang live sellers dahil hindi raw talaga ito madaling trabaho.
“At hangang-hanga talaga ako sa mga live sellers. Mas lalo kong na-appreciate kung gaano kahirap at kagaling ang ginagawa ninyo — ang energy, diskarte, tiyaga, at connection with people in real time.
“Much respect for all live sellers and the skill that comes with it. ‘Di biro ang trabaho ninyo.
“Mabuhay ang mga live seller!” saad ni Dong.
Pagtatapos pa niya, “At mabuhay ang Vida Essentials — now available on TikTok Shop.”





Comments