Todo-announce na single pa… ROB, NILAYASAN NG MAG-INA
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 13, 2023

Dahil sa hindi pag-amin ni Rob Gomez na siya ay may karelasyon na at may anak na sila noong mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda, nakipag-break na sa aktor ang beauty queen na si Shaila Rebortera.
Umalis ito sa bahay nila ni Rob at bitbit ang kanilang 8-month-old baby girl na si Amelia.
Labis itong ikinalungkot ng ina ng aktor na si Kate Gomez na dating artista. Nakatatandang kapatid niya si Gary Estrada at tatay nila ang yumaong si George Estregan.
Paliwanag ni Kate, walang intensiyon ang kanyang anak na si Rob na itago o ilihim sa publiko na may karelasyon na siya at may anak na sila. Very supportive raw ang aktor kay Shaila.
Sa katunayan, noong nalaman ni Rob na buntis na si Shaila ay nagplano na silang magpakasal, pero nagkataon na namatay naman ang lolo ng aktor na isang pure Chinese.
Bawal sa sinumang pamilya ang magpakasal o mag-celebrate ng birthday, kaya na-postpone ang kanilang kasal.
Ganunpaman, hindi pinabayaan ni Rob si Shaila hanggang sa nanganak ito. Ang aktor ang lagi nitong kasa-kasama sa ospital. Binigyan din nila ng baby shower party si Baby Amelia.
Pero nang napanood nga ni Shaila ang interview ni Rob sa Fast Talk kung saan sinabi nitong single siya at ‘di inamin ang tungkol sa anak nila ng beauty queen, agad na lumayas si Shaila bitbit ang kanilang anak.
Sabik na sabik sa apo si Kate, kaya nalungkot siya sa nangyari.
Well, dapat siguro ay naipaliwanag ni Rob ang kanyang sitwasyon noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon ni Shaila. Nag-uumpisa pa lang ang kanyang career at ngayon nga ay isa siya sa dalawang leading men ni Herlene Budol sa Magandang Dilag, kaya’t hindi niya agad maamin sa publiko na “taken” na siya at may anak na.





Comments