To the rescue kay Atong… SIGAW NI GRETCHEN: BATO, WA' 'K' MAGING SENADOR, PANG-GAME SHOW LANG

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 26, 2022

Irita is real si Gretchen Barretto sa pagbibida-bidahan ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa during the Senate hearing ukol sa mga nawawalang sabungero.
Si La Greta ang binansagan ngayon ng mga netizens as "Sabong Queen" dahil kabilang siya sa Team Alpha ng Pitmaster group na isa sa brand ng Lucky 8 Star Quest, Inc..
Ang Lucky 8 Star Quest Inc. ay pag-aari ng controversial 'gaming lord' na si Atong Ang. Ang e-sabong operations ng gaming firm na ito ni Atong ay balitang kumikita ng P60 billion kada buwan, tumataginting na more than P1 billion a day, ganern?!
Kaya naman ang business partner ni La Greta na si Atong ang nakasalang sa Senate investigation as a resource person, at si Sen. Bato naman ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ipinost ni La Greta sa kanyang Instagram ang video na kinunan niya during the hearing last Monday at maririnig sa video ang boses ni La Greta na nagda-dialogue ng… "Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation."
Napansin din ni La Greta ang suot na mamahaling relo ni Sen. Bato habang pinangungunahan ang hearing.
Tirada ni La Greta, "Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My god! A senator has that much! My God!"
So, ang relo ni Bato ay Rolex?
Anyway, kinuwestiyon din ni La Greta ang kakayahan ni Sen. Bato bilang senador.
"How did Bato ever become a senator? Tingnan mo ang line of questioning niya. Kailangan talaga, lawyer ang mga nakaupo. People, vote wisely. Don't vote a Bato! My gosh! Dapat sa 'yo, game show."
Pambubuking pa ni La Greta sa senador, "Tumatalpak kasi si Bato na ito, eh. Bato, ilabas natin 'yung mga talpak mo kaya?"
Ang ibig sabihin daw ng "talpak" sa sabong ay taya. Nagmula raw ang word na "talpak" sa "talpakan" na tumutukoy sa pagtutuos o harapan ng mga manok na panabong.
At ayaw pang tumigil ni La Greta sa pambubuking kay Sen. Bato ukol naman sa balanse pa raw nito.
May binanggit pang pangalang "Kate Villalon" si La Greta sa video. "The truth will come out, Bato," pagtatapos ni Gretchen.
Hinangaan naman ng mga netizens si La Greta sa mga sinabi niya sa video.
"Yaassss! Another queen slaying!"
"Nakikipagwarla na ang lola n'yo. Don't mess with Greta and her cocks!"
"Hahaha. The best comment ever! Muntik na matapon kape ko."
"Ayan na si Lady Tiger."
'Yun na!





Comments