Tiyan, idinispley… JESSY, NILAIT NG NETIZEN NA PARANG NANGANAK NA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 12, 2020

Panalo ang sagot ni Jessy Mendiola sa isang basher na nagsabing mukhang nanganak na ang kanyang tiyan.
Sa larawang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita na naka-pang-workout outfit siya na sando and shorts kung saan ay naka-expose ang abs niya.
Actually, kitang-kita nga sa larawan ang fit na pangangatawan ni Jessy at ang gandang tingnan ng kanyang abs. Pero may basher pa rin talaga na pumintas at nanlait sa aktres.
“Bat ganu'n 'yung tiyan niya… parang nanganak na,” komento ng basher.
In fairness kay Jessy ay hindi siya napikon at nakakaaliw nga ang kanyang sagot.
“Naku, sana nga ganyan hitsura ng tiyan ko kapag nanganak ako,” sagot ng aktres.
Dahil sa kanyang panalong sagot ay pinuri ng mga netizens si Jessy. One follower remarked, “Love how you handle this kind of comment, Jessy. Slay girl!”
Komento naman ng isa niyang follower, “Salute to you for dealing all your bashers with class.”
Bukod dito ay ang dami ring pumuri ng kanyang abs at maliit na tiyan. May nagkomento pang ang suwerte naman ng boyfriend niyang si Luis Manzano.





Comments