Tiyan at balakang, lumaki raw… LIZA, PINAGPIPIYESTAHANG 3 MOS. BUNTIS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 21, 2022

Second time na ngayon na pinaghihinalaan na namang buntis ang magandang aktres na si Liza Soberano.
Ang basehan ng mga Marites ay medyo maumbok daw kasi ang tummy at mabalakang ngayon ang GF ni Enrique Gil.
Komento ng mga netizens…
“Ang gaganda at ang guguwapo ng magiging anak nila in the future.”
"Very beautiful inside and out. Ang suwerte ni Enrique.”
Ang mga komentong ito ay kaugnay ng larawan nang maging abay sa kasal ang LizQuen.
Iginigiit naman ng mga Marites na ‘buntis’ daw si Liza.
“Hindi naman sa Marites ako, ‘no! Pero parang buntis talaga si Liza. Tsinek ko ‘yung mga posts niya before, pero wala naman akong nakikitang may bukol. Pero ngayon, may bukol na talaga.
Ano ba? Buntis ba talaga? Nagtatanong lang!”
“Parang buntis nga… ‘di ko alam kung shadow lang sa kilikili or maitim nga na gawa ng preggy.”
“Mala-Janella na din ba siya? Nag-iba na katawan niya. Tapos ‘yung puson, lumaki, parang may 3 months.”
"Parang buntis talaga. Ganyan ako ‘pag 5 months tiyan ko. Pero, sa mga nagbuntis, mahahalata kung buntis talaga.”
“Mukha siyang buntis. Mataba siya ngayon. Tapos, mabalakang pa. Eh, ano naman kung buntis siya? Magdyowa naman sila.”
Well, tanging ang may katawan lang ang nakakaalam at makakapagkumpirma kung ano nga ba’ng totoong kalagayan ngayon ni Liza.
Besides, kung preggy man si Liza, hindi siya makikita araw-araw na may bagong post na larawan sa kanyang socmed account.





Comments