top of page
Bea Alonzo - IG.jpg
Search

ni Gina Plenago @News | September 13, 2026



Atty. Melvin Matibag - NBI

Photo: File / NBI



Apektado ang apat na Chinese, isang babae at tatlong lalaki sa isang condominium unit sa Parañaque.


Sa paghalughog sa apat na kuwarto ng unit, natagpuan ang mga high-grade marijuana na kush at shabu, ganoon din ang mga drug paraphernalia.


Sa isang panayam kay National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag, iba't ibang klase ng droga ang ipinapadeliber ng mga dayuhan na itinatago sa mga delivery ng pagkain at mga online order. 


Ayon kay Atty. Matibag, ginagamit ang cyberspace para umorder ng iba't ibang klase ng iilegal drugs.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Tatlong drug pusher ang patay sa magkasunod na buy-bust operation na isinagawa sa Pasay at Parañaque nitong weekend, kung saan mahigit P81.6 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa Chinese tea bag ang nakumpiska ng mga awtoridad.


Ayon kay Metro Manila Police Chief Vicente Danao, nakipagtransaksiyon sila kay alyas Richard sa West Service Road, Barangay Sun Valley sa Parañaque nitong Sabado nang gabi, subalit nang makakutob na pulis ang katransaksiyon ay nagsimula na itong magpaputok ng baril.


Tinatayang 5 kilo ng shabu na nagkakahalagang P43 milyon ang nakumpiska rito.


Nagpatuloy pa ang operasyon ng mga awtoridad hanggang Linggo nang madaling-araw, kung saan 2 tulak ang kasunod na namatay sa C5 Extension, Pasay Road.


Nakuha sa kanila ang 7 kilo ng shabu na may halagang P47.6 milyon. Kinilala rin sila bilang sina alyas Domeng at alyas Rey na nanlaban din umano kaya nauwi sa madugong transaksiyon ang naganap na buy-bust operation.


Paliwanag naman ni Chief Danao, hindi parte ng plano ang pagpatay sa 3 drug suspek ngunit kailangan umanong gawin upang protektahan ang buhay ng mga pulis at mga sibilyan.


Dagdag pa niya, kilalang drug pusher sa kanilang lugar ang mga suspek. Nanggagaling pa umano ang mga droga mula sa Chinese supplier at mayroon ding Pinoy contact na involved sa distribusyon.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page