top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

TitoSen, nagtampo kay P-Duterte kaya babanggain na lang?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 24, 2021



NAGTAMPO SI TITOSEN KAYA BABANGGAIN SI P-DUTERTE?—Magkaalyado sina P-Duterte at Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto kaya nagtaka ang publiko nang ihayag ni TitoSen na kakandidato siya sa pagka-bise-presidente, kahit tumakbo pa sa pagka-vice-president si P-Duterte.


Baka nagtampo lang si TitoSen kaya lalabanan niya si P-Duterte sa pagka-VP kasi hindi nasama ang kanyang pangalan sa mga type nitong maging next president dahil ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ay kina Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at ex-Sen. “Bongbong” Marcos lang namimili ang pangulo na ipanlalaban sa presidential election, saklap!


◘◘◘


KAPAG SI MAYOR SARA ANG ININDORSO NI P-DUTERTE, PANG-UUNGGOY LANG PALA ANG SINABI NITONG AYAW NIYANG MAGING PANGULO ANG KANYANG ANAK—Kung totoo ang sinabi ni Roque na kabilang si Mayor Sara sa pinagpipilian ni P-Duterte na maging standard bearer ng administrasyon sa halalan 2022 ay liyamado na ang presidential daughter na mapili kasi anak ito ng pangulo.


Kaya kapag si Mayor Sara na ang inindorso ni P-Duterte na 2022 presidential election ay lalabas na inuunggoy lang pala ng pangulo ang publiko sa kanyang sinabi na ayaw niyang maging pangulo ang kanyang anak, pero ang katotohanan ay gusto rin nito, boom!


◘◘◘


PACMAN AT YORME, OUT NA SA PINAGPIPILIAN NI P-DUTERTE NA MAGING PAMBATO NG ADMINISTRASYON—Sa limang binanggit ni Roque na pinagpipilian ng pangulo na ipanlalaban ng administrasyon sa 2022 presidential election ay siguradong out na sina Pacquiao at Isko kasi sa ngayon ay lantaran na ang pagbangga ni Pacman sa PDP-Laban faction nina P-Duterte at Energy Sec. Alfonso Cusi at sa parte naman ni Yorme, tiyak na hindi nagustuhan ng Malacañang ang pakikipag-partnership nito kay VP Leni Robredo sa pagbabakuna sa transport sector sa Maynila.


At kung sakaling panindigan ni P-Duterte na huwag patakbuhin ang kanyang anak sa pagka-pangulo ay dalawa na lang ang matitira, sina Bong Go at Bongbong Marcos, kaya’t ang tanong ay sino sa kanila ang magiging manok sa 2022 election? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page