Tinuturuan sa dapat gawin… NADINE SA MGA NETIZENS: TIGILAN N'YO KO, 'DI NA AKO BATA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 12, 2022

Pinagsabihan ni Nadine Lustre sa kanyang Twitter at Instagram account ang mga netizens na nagtuturo sa kanya ng dapat gawin at itina-tag pa sa kanyang boyfie na si Christophe Bariou at maging sa kanyang mga kaibigan.
Aniya sa kanyang account: "PPL be commenting instructions and tagging my friends or boyfie on my IG. Stop telling them to tell me what to do. I'm not 10."
Payo ng mga netizens, "Turn off your comment section, problem solved."
Sabi naman ng isang commenter, "Iba ang comment sa umeepal. And don't be a patolera over petty things."
Esplika ng isa, "Hindi comment section sa IG niya. Posts ng faney and tagged nga ang boyfie and friends. 'Di ako fan pero halatang hater ka."
"YASSS!!! Put them in their place!!! Ganyan dapat. 'Wag bait-baitan sa fans. Kahit toxic na fans, pinababayaan. Tama 'yan, pagsabihan sila," pag-agree naman ng isa sa ginawa ni Nadine.
"Feeling entitled talaga 'yung ibang tao. Just let them be. Basta wala naman silang nasasaktan na tao, hayaan n'yo silang gawin kahit anong gusto nila. That's their life," pagtatanggol pa ng isang netizen sa aktres.
"She’s not 10 but the way she writes is like a 16-year-old. “PPL be” instead of “are” or using the word “boyfie” instead of boyfriend”, pampa-cool teenager ang vocabulary niya! Pero in fernez, ang ganda ni baks sa pic na 'yan."
"May point naman si Nadine. It's not all about turning off the comment section. The thing is, bakit tinuturuan n'yo pa rin si Nadine ng dapat niyang gawin? May sarili siyang utak at buhay, kahit pa sikat siya at kilala at artista siya, what's the point na turuan siya? Oo nga naman, hindi na siya bata. Lahat, kontrolado n'yo?"





Comments