Tinuhog ni Gerald… PIKTYUR NINA BEA, MAJA AT JULIA NA MAGKAKAYAKAP PA, VIRAL
- BULGAR
- Jan 21, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 21, 2022

'Kaaliw ang mga comments ng mga netizens sa nag-viral na photo nina Maja Salvador, Julia Barretto at Bea Alonzo na magkakasama. Hindi binanggit kung saan at kailan kuha ang litrato na sweet ang tatlo at magkakayakap pa.
Walang masyadong nega sa mga comments at siyempre, bida si Gerald Anderson dahil naging ex niya sina Maja at Bea at si Julia ang current GF niya. Curious ang mga Marites kung sino ang GF ni Gerald that time na kinunan ang litrato? Hindi makumpirma kung tama ang hula na si Kim Chiu pa ang GF that time ni Gerald.
Parang malabo nang maulit na magsama-sama ang tatlo sa litrato at lalong malabo kung makakasama pa nila si Kim. Ang importante, pare-parehong masaya sa kani-kanilang love life sina Maja, Julia at Bea, pati si Kim.
Si Maja, may Rambo Nuñez, si Julia, may Gerald, si Bea, may Dominic Roque, at si Kim, may Xian Lim. Ang abangan natin ay kung sino sa apat ang unang ikakasal.





Comments