Tinawag na OA ng netizens… SIGAW NI MARIEL: IKAMAMATAY KO KAPAG MAY BABAE SI ROBIN!
- BULGAR
- Apr 23, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 23, 2024

Kung merong nakukyutan sa naging joke time ni Sen. Robin Padilla sa asawa nitong si Mariel Rodriguez, marami rin ang nainis at tinawag silang "OA" (overacting).
Sa naging post kasi ni Mariel sa kanyang FB (Facebook) account ay naka-screenshot ang convo nila tungkol sa diumano'y bagong babae ni Robin.
Na kesyo may pag-amin na si new girl sa relasyon nila ni Robin at isinisigaw na nga nito sa buong mundo kung ano ang meron sila ng senador.
Sa naturan ding convo, sinabi ni Mariel na ikamamatay niya kung totoong may bagong babae nga ang asawa.
But of course, joke lang pala ang lahat dahil sa bandang huli ay sinabi ni Robin na si Taylor Swift pala ang sinasabi niyang bagong babae.
Na ipinangangalandakan nga ng kilalang foreign singer na si ROBIN ang bago niya. ‘Yun pala, isa si Robin sa mga single na parte ng latest album ni Taylor.
In the end, nag-sorry naman ang senador sa pag-joke sa asawa.
Pero sa mga hindi nila fans, tinawag nga silang papansin at mga OA.
Aguy!!!
Comentários