Tinawag na dugyot… CARLA SA BASHERS: GRABE KAYO!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 11, 2024

“Hindi ‘yun totoo, grabe kayo,” sey ni Carla Abellana sa mga haters and bashers na nilait-lait ang kanyang mga ibinebentang pre-loved items.
Nagsalita ang aktres sa panayam sa 24-Oras at nilinaw ang mga akusasyong mataas ang presyo at dugyot umano ang kanyang mga items.
Aniya, mas mababa raw ang presyo ng kanyang mga ibinebentang items kaysa sa original price nito.
“I would sell something na much less naman than how much I got it for ‘di ba, lalo na dahil ‘yung condition niya, depende din doon,” paliwanag niya.
Sa huli ay choice naman daw ng buyers kung gusto nilang bilhin ang mga items.
“Well, choice naman nila ‘yun, of course, if they are interested, if they want to buy it or not,” sey ni Carla.
Matatandaang nagsagawa ng online selling ang aktres sa isa niyang Instagram page kung saan ay ibinebenta niya ang kanyang mga pre-loved and brand new stuff.
Pero dinumog nga ito ng mga bashers at sinabing ‘overpriced’ ang mga items at hindi na raw maayos ang kondisyon.
May mga nagkomento pa na nabili lang daw ni Carla ang mga items nang sale pero ibinebenta sa mas mataas na halaga.





Comments