Tinawag na chaka, mapera lang… ICE, TAWANG-TAWA NA 'DI RAW SIYA PANGIT, SAKTO LANG!
- BULGAR
- Mar 11, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 11, 2023

Kinaaliwan ng mga kapwa-artista ang latest post ni Ice Seguerra sa kanyang Instagram page tungkol sa isang basher na tinawag siyang “pangit.”
Ipinakita niya ang screenshot ng comment ng netizen na “Ang pangit mo p're, mapera ka lang.”
Isang nagngangalang Nora ang nagtanggol kay Ice at sey niya, “Inggit ka lang siguro kay Ice.
Kababayan ko siya, ‘di siya pangit, ‘no, eksakto lang. Saka ano bang pakialam mo sa mukha ng (isang) tao? Pinakialaman ka n'ya ba? Kung ‘di mo siya gusto, shut up your big mouth, ok?”
Nilagyan pa ng highlight ni Ice ang statement na “Hindi s'ya pangit 'no, eksakto lang.”
Tawa nang tawa si Ice sa caption niya and obviously ay naaliw din ito sa sinabi ng kanyang tagapagtanggol.
“So, may nang-bash sa akin sa FB page ko. Pangit daw ako. Buti na lang, to the rescue si Ate Nora para sabihing hindi ako pangit… Sakto lang, hahahahahahahhaha!!!! Love ko na si Ate Noraaaaaaa!!! She’s so honest! Hahahahaha!!!” ang caption ni Ice.
Inulan din ng tawanan ang comment section at pati ang mga kapwa niya celebrities ay nagsipag-comment.
Komento ni Ogie Alcasid, “Doon tayo sa sakto!!!!”
Sey naman ni Vina Morales, “Ehhhhh ang cute mo kaya.”
Pagkahaba-haba namang tawa ang reaksiyon ni Moira, pati ang mga netizens ay tawang-tawa rin at kani-kanya silang komento.
May nagsabing “Okay lang ang sakto kaysa naman kulang.”
May nag-comment ding “Sana all sakto lang, hahaha!”





Comments