Tinawag na babaero sa harap ng madlang pipol… RICCI, IPINAHIYA NG MUSE NG BASKETBALL TEAM
- BULGAR

- Jul 17, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 16, 2024

Kasama ang ilang basketball players ay pumunta ng Guinobatan sina Ricci Rivero para maglaro.
Nagsimula ang event sa pamamagitan ng pagsasalita ng mga muse ng bawat team para ipakilala ang kanilang sarili. Isang muse ang nagbigay muna ng maikling speech bago ito nagpakilala.
Ang introduction ng muse, “Basketball player ka ba? Kaya pala nangangamoy babaero ka.”
Natameme si Ricci sa narinig, lalo na nang i-call out siya nito para magpakilala.
“Hi Ricci, ako pala si Andrea, pero hindi ‘yung dati mong sinisinta.”
Naghiyawan tuloy ang mga nasa event, samantalang speechless lang ang ex ni Andrea Brillantes.
Komento nga ng isang netizen, “Lakas mo, ate gurl. Hahahaha!”
Sa puntong ito ay tila ipinahiya ng muse si Ricci.
Anyway, sina Andrea at Ricci ay naghiwalay last June, 2023 at may bago na ring karelasyon ang basketbolista, si Leren Mae Bautista.
Si Andrea Brillantes naman ay nananatili pa ring single hanggang ngayon.
PINASALAMATAN ni Baron Geisler si Piolo Pascual (Papa P) dahil sa career break niya sa Moro film ni Direk Brillante Mendoza.
Very grateful si Baron kay Papa P dahil kung hindi raw sa tulong ng aktor ay hindi siya mabibigyan ng big break.
“I wanna thank Mr. Piolo Pascual. We shot this nu’ng 2019, this is my first big break in Philippine cinema. Ito ‘yung first big role ko po nu’ng 2019 nu’ng galing akong preso at rehab, because I prayed for a miracle. After a few months of fervently praying, God answered it with a call from Direk Brillante Mendoza. Sabi niya, ‘O, Baron, may gagawin tayong pelikula, magkapatid kayo ni Piolo, pag-aralan mo ‘to.’ Sabi ko, ‘Sige po, direk,’” kuwento ni Baron.
“Two months ako nag-immerse. Pumunta ako ng Davao, nag-enjoy ako sa Davao, tapos nu’ng nasa Davao na ako, minemorize ko ‘yung ibang lines. Tumawag ‘O, Baron ikaw na ‘yung gagawa nu’ng kay Piolo. He’s so busy daw, hindi n’ya magagawa. Ikaw na muna bida rito, ha!’ Sabi ko, ‘Talaga po? Na-memorize ko na po, eh. Sabi n’ya, ‘Hindi, i-memorize mo ‘yung kay Piolo.’
“So, dumating kami sa set, nagkita kami ni Mr. Piolo Pascual. And you know, I can’t thank you enough. I'm so grateful, Bro, to be part of this film and pinagbigyan mo ako na magka-break sa industriya. And after that, nagsimula na akong kunin sa mga bigger projects. So thank you so much and to Direk Brillante also.”
Ang role ni Baron ay si Abdel samantalang si Papa P takes on the character of Jasim in the movie Moro. Ipapalabas sa Netflix ang nasabing movie sa July 19.
MAY heartfelt post ang panganay na anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano sa ama.
May new uploaded photo si Meryll kasama ang mga kapatid na ibinahagi nito mula sa bagong studio na pagtatanghalan ng bagong show ni Kuya Wil.
Sey ni Meryll sa post, “WE ARE SO PROUD OF YOU, PAPA!!! Nagsimula na ang panibagong programa para sa bayan, dahil kayo ang bida! WIL TO WIN!!! Ngayong hapon na, mula Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood sa TV5.”
“Napakasaya ko at ng mga taong nakakaunawa na sa entablado ang tahanan ng aking Tatay dahil dito s’ya nakakatulong at nakakapagbigay ng tunay na serbisyo sa tao. Taos-puso akong nagpapasalamat sa @tv5manila sa pagkakataong ito. At taos-puso akong nagpapasalamat sa mga tao na bumubuo ng Wil To Win.
Napakaganda! Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta kay Papa. Kayo ang tunay na bida sa programang Wil to Win! “CONGRATULATIONS @wiltowinofficial! At sa mga bagong kasama na mga hosts, dancers at production, thank you from the bottom of my heart. What a great new journey for all of us!”
Si Meryll ay daughter ni Kuya Wil kay Maria Victoria Soriano, sister ng famous actress na si Maricel Soriano.




Comments