Tinarayan siya, 'di nakatiis… HIPON GIRL, NAGPASAKLOLO KAY WILLIE VS. MISS MANILA ALEXANDRA ABDON

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 21, 2020

Nagsumbong si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl sa Wowowin host na si Willie Revillame hinggil sa pagtataray umano sa kanya ni Ms. Manila Alexandra Abdon sa isang event ng Frontrow na isa sa mga sponsors ng programa ng Wowowin.
Sabi ni Hipon kay Kuya Wil, “Alam mo, Kuya, 'yung Miss Manila, tinarayan ako.”
Pinaimbitahan ni Kuya Wil si Alexandra para raw iklaro kung bakit tinarayan ang kanyang lady co-host na si Hipon at ipaliwanag ang buong nangyari. Kaya lang, hindi sumipot si Ms. Manila sa programa ni Kuya Wil.
Nadismaya ang Wowowin host sa beauty queen. Aniya, dapat daw ay maging professional ito sa mga job commitments.
Kamakailan ay sumipot na si Miss Manila sa programa ni Kuya Wil. Humingi siya ng paumanhin sa beteranong TV host.
Paliwanag niya, may prior commitment siya nu’ng time na 'yun at nasa Tagaytay siya.
Nag-face-to-face din sina Alexandra at Hipon Girl. Sa paghaharap nila, naalala ni Herlene ang pagtataray umano ng beauty queen sa kanya sa event ng Frontrow.
Siguro naman ngayon ay nagkaayos na sila.





Comments