Tinarayan daw ni Julia nang magkita… BIDA - YASSI, HULA NG MGA NETIZENS NA NANG-AHAS KAY COCO
- BULGAR
- 6 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 13, 2025

Photo: FB Yassi Pressman & Coco Martin
Kani-kaniyang hulaan ang mga netizens na nakapanood sa interview ni DJ Chacha kung sino ang aktres na tinutukoy ni Julia Montes na nagkainteres kay Coco Martin.
Ikinuwento ni Julia na nagkita sila ng aktres, at bumati ito sa kanya ng “Hi po!”
Sabi ni Julia, “Excuse me, magka-batch lang tayo, maka-‘po’ ka naman.”
Ipinakita rin ni Julia ang expression niya sa pagkikita nila ng aktres.
Well, hindi raw siya plastic at hindi siya showbiz, at ipinapakita niya kung okay sa kanya ang isang tao. Kung hindi niya gusto ang isang tao, hindi niya pinapansin.
Hindi niya kinausap si girl, tinitigan lang niya para iparamdam niya kung sino siya, dahil sobra-sobra raw ang ginawa nito.
Sa tanong ni DJ Chacha na mabuti’t hindi sila nasira ni Coco sa isyung ‘yun na may nagkagusto sa aktor, sagot ni Julia, “Sorry, girl (sa babaeng umaaligid kay Coco).”
Kasama sa panghuhula ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Julia Montes, nag-research sila ng edad ng aktres para malaman kung sino ang tinutukoy na ‘ka-batch’ nito.
Hula ng mga netizens ay si Yassi Pressman na na-issue na rin noon kay Coco Martin.
Tinawag pa itong ‘ahas’ katulad ng kapatid niyang si Issa Pressman na inagaw daw noon si James Reid kay Nadine Lustre.
‘Kaloka!
HINDI lang ang pagiging lead ni Dylan Menor sa Viva One series na Project Loki (PL) ang ilo-launch sa nasabing series, ilo-launch din ang tambalan nila ni Jayda Avanzado.
Based sa reaction ng mga fans na nanood ng Vivarkada sa Smart Araneta Coliseum, tanggap nila ang tambalan ng dalawa. Kinikilig sila dahil pareho raw panalo ang visual nina Jayda at Dylan.
Hindi mahihirapan ang cinematographer na maghanap ng anggulo, dahil kahit saang anggulo sila kunan, maganda ang lalabas.
Kahit si Xian Lim na director ng series, nagsabing hindi nahirapan ang dalawa na ilabas ang chemistry ng kanilang tambalan dahil kusang lumabas ‘yun.
Pero inamin ng dalawa na they are working para mas lumabas pa ang kanilang chemistry, para na rin sa ikagaganda ng series.
Kuwento ni Dylan, “Everytime na nagkikita kami sa teaser, look test, photoshoot at workshop, nade-develop ang aming chemistry. We’re just happy. Komportable na akong kasama si Jayda, magaan s’yang kasama. That is a good sign.”
Sabi naman ni Jayda, “In terms of developing our chemistry, sa teaser shoot pa lang, we made it a point to chat. Every time na magkasama kami, nade-develop ang natural na rapport. It helps na we enjoy the same music, nag-uusap kami.”
Magsu-shoot pa lang si Direk Xian ng PL, at pagdating ng taping, very comfortable na sa isa’t isa sina Jayda at Dylan. Na-appreciate ng aktor na si Jayda ang may dala ng birthday cake nang batiin siya ng cast ng happy birthday dahil kaarawan niya noong October 13.
Makakatulong din na walang existing love team sina Jayda at Dylan, kaya walang mga fans na magseselos. Malaking bagay din na pareho silang single dahil walang dyowa na magseselos kapag naging close na sila.
PAHINGA pala muna sa acting si Kyline Alcantara. Gusto muna nitong magpahinga sa pag-arte pagkatapos gawin ang Beauty Empire (BE).
“Ngayon, nagpapahinga muna ako because napakabigat po ng Beauty Empire. Sobrang proud ako sa ginawa namin. Actually ngayon, nandito, kasama ko si Ms. Ruffa (Gutierrez). I’m just so happy that I created a family there,” sagot ni Kyline nang ma-interview sa isang event ni Rajo Laurel.
Focused muna sa kanyang sarili si Kyline habang naghahanda sa projects niya for next year.
“Masaya ang buhay ngayon—growing, evolving every single day. Tennis, nagpa-firing din ako, nagmo-motorbike. Ginagawa ko po ulit ‘yun now na I have more free time,” dagdag ni Kyline.
Marami pang gagawin si Kyline habang break siya sa acting. Pero tatanggap naman siguro siya ng ibang projects aside from acting, gaya ng pagge-guest sa mga concerts.
Wish ng mga fans nito na bigyan niya ng time ang kanyang singing career. Sayang daw ang ganda ng boses ni Kyline Alcantara kung hindi naririnig ng mas marami.