Tinanong ng netizen kung bakit 'di magkaanak…"AYOKO, EH… NOT YOUR UTERUS" — HEART
- BULGAR
- Jan 15, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 15, 2022

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan si Heart Evangelista ng mga ‘Marites’ sa katatanong sa kanya tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Good thing, talagang palaban naman si Heart sa mga netizens. Nagtataray siya kung kailangan especially kung medyo hindi maganda ang pagkakatanong sa kanya.
Pero 'pag nasa mood naman siya, tinatawanan na lang niya ang mga makukulit na ‘Marites.”
Sa latest TikTok video ni Heart, halatang imbiyerna siya sa pagsagot for the nth time sa netizen na nagtanong kung bakit hindi sila magkaanak.
“Ayoko, eh,” iritada niyang sagot.
“Kulit, ha?” sey pa niya sa caption.
“Chill. Not your uterus,” saad pa niya.
Pagtataray pa niya, “Didn’t anyone teach you manners? If I am not sad about it then why are you even. . .”
Litanya pa niya, “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. What are you going to do when your kids have their own lives?”
Oo nga naman. Agree!




Comments