Tinanong ng fans kung kasama ang aktres… DOMINIC, PROUD NA PHOTOGRAPHER NIYA SI BEA

ni Nitz Miralles - @Bida | January 21, 2021

Sumagot lang si Dominic Roque ng “Kinukuhaan ako” sa tanong ng isang netizen kung nasaan si Bea Alonzo, kinumpirma na ng ilang nakabasa na sagot na ito ni Dominic sa relasyon daw nila ng aktres.
Ang daming kinilig sa sagot ni Dominic at may nagbiro na sumabog ang puso niya.
Ibig sabihin, marami pa rin ang gusto si Dominic para kay Bea at mas darami pa siguro sila kapag inamin na ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon.
Saka siguro, kung magpo-post na sila ng litrato na sila’y magkasama at wala nang kina-crop. Habang hindi pa sila ready, pareho silang natatawag na “BF o GF sa dilim.”
May mga naligaw pa rin namang hindi boto kay Dominic para kay Bea at ang harsh ng comment at tinawag na starlet si Dominic at super vain pa raw. Dedma nga lang si Dominic sa basher, hindi niya dine-delete ang comment, kaya nababasa pa rin.





Comments