top of page
Robin Padilla - FB

Tinanong kung kelan mag-uusap… RYZZA MAE KAY KIM: HI PO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 5, 2026



WINNER - RYZZA MAE KAY KIM HI PO!-FB Kim Chiu & Ryzza Mae Dizon

Photo: FB Kim Chiu & Ryzza Mae Dizon



Binati ni Ryzza Mae Dizon si Kim Chiu on air. No choice si Ryzza dahil mismong si Joey De Leon ang nag-usisa sa kanya tungkol kay Kim.


Knowing Joey na taklesa rin, agad niyang inungkat si Ryzza pagkatapos ng tsika na magsasama sina Vic Sotto at Vice Ganda sa pelikula.


Tanong ni Joey kay Ryzza, “Ryzza, kailan kayo mag-uusap ni Kim Chiu?”

Sumagot naman si Ryzza ng pagbati kay Kim. Sabi ni Ryzza kay Kim, “Hi po.”


Iba-iba ang reaksiyon ng mga netizens sa ginawa ni Joey.

“Nakakaumay talaga ang timing ni Joey De Leon.”


“Kailan ba magre-retire ‘yung Joey De Leon? ‘Di na siya nakakatuwa at s’ya lang ang panira sa Eat… Bulaga! (EB!). Sobrang awkward ‘yung pambabara n’ya kay Kris Aquino. ‘Di man lang naisip na may sakit ‘yung tao, pero bumisita pa sa kanila.”

“Kim Chiu is bound to win in this life. Imagine, ang daming naki-clout sa isyu w/ RM to end up na Ryzza Mae will say live on national TV via Eat…Bulaga! na ‘Hi po, (Kim)’ kay Kimmy. It’s the universe’s way of telling ‘walang isyu sa kanila’. See what happens, bonggang promo pa nangyari!”


“True, panalo pa rin si Kimmy. Instead of ingay about sa movie nina Vice at Vic, nadamay pa s’ya sa ingay. Hahaha! Winner.”

Winner talaga si Kim Chiu!





After 5 yrs. ng laban sa korte…

JELAI, ANNULLED NA KAY KING BADGER



TODO-IYAK ang vlogger-aktres na si Jelai Andres sa pagse-share sa kanyang mga kaibigan ng good news na matagal na niyang hinihintay.


Noong una ay inakala ng mga kaibigan ni Jelai na buntis siya. ‘Yun pala, natanggap na niya ang desisyon ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kanyang kasal sa rapper na si Jon Gutierrez, a.k.a. King Badger.


Ipinost ni Jelai ang balita tungkol sa annulment niya sa Instagram (IG).

Sabi ni Jelai, “Masaya po ako kasi finally, officially, nawala na sa mundo ko ‘yung kasal. Pinakamahirap na pinagdaanan na chapter ng buhay ko.


“Sobrang dami ko pong natutunan. Kuntento ako sa sarili ko na mag-isa lang ako. Alam mo ‘yung wala kang kaaway kundi sarili mo lang?”

Nagkaroon daw siya ng peace of mind.


Nag-file si Jelai ng annulment dahil sa isyu ng infidelity. Noong 2021, sinampahan din niya ng kasong concubinage at paglabag sa Republic Act No. 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act ang kanyang ex-husband.


Samantala, binati si Jelai ng kanyang mga celebrity friends at IG followers:

“Deserved mo ‘to @jelaiandresofficial. We are with you, praying for your happiness and endless love.”





“Nakakatuwa si Jelai, maraming nagmamahal sa kanya. Maraming masaya para sa kanya. I’m a silent follower and I’m so happy for you.”


“Five years of fighting for the freedom and peace you deserved. Today, you finally get to close one of the hardest chapters of your life and begin a new one. This isn’t just about an annulment—it’s about choosing yourself, healing, and finally being free. You deserve every bit of happiness that’s waiting for you. Congratulations, Miloves. Your strength has inspired so many people.”

‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page