top of page

Tinanggihan ng produ, bentang-benta… CONCERT NG SEXBOMB, PINIPILAHAN NG FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 12, 2026



Sexbomb - IG Rochelle Pangilinan

Photo: I Sexbomb - IG Rochelle Pangilinan



Ini-repost ni Rochelle Pangilinan ang post ng Sexbomb fans na maagang pumila para masigurong makabili ng tiket para sa Get, Set, Aw! RAWND5 concert. 


As early as 3 AM ng January 11, 2026, may pila na sa SM Mall of Asia (MOA) para mauna silang makabili ng tiket. Lagi ngang soldout ang concert. To think na 12 noon pa magbubukas ang ticket booth at doon pa lang sila makakabili ng tiket.


Sa isang photo, isa pa lang ang nakapila sa SM MOA TicketNet, ilang minuto pa, dumami na ang nakapila. Nakaupo sila at naghihintay na magbukas ang ticket booth. 


Hindi lang sa SM MOA ang may pila dahil sa lahat ng SM branches, may pila ng mga fans at kinailangang mag-provide ng chairs ang mall para sa kanila. Pati sa SM Iloilo, may pila at lilipad pa-Manila ang mga fans sa February 8, ang gabi ng round 5 ng concert.


Nagsisi siguro ang mga producers na nilapitan nina Rochelle to produce their reunion concert pero tumanggi dahil lagi itong sold-out. 


May mga requests pa na i-extend ang concert kahit sa March na lang daw, dalhin sa key cities at sa ibang bansa.


In fairness kay Rochelle, hindi nito pinangalanan ang mga concert producers na tumangging i-produce ang concert nila. Sabi siguro ng Sexbomb, bahala kayong mainggit. 


Nabasa naming produced ng NY Entourage Production ang concert. Production company kaya ito nina Rochelle at ng Sexbomb o may producer na sila?

Maganda ang ginawa ng Sexbomb na unahin ang physical selling ng tickets sa SM Cinema outlets at saka isinunod ang online ticket selling. 


“Bakit ganito ang setup? Kasi gusto naming makabili ang tunay na pumipila, ‘yung ‘di scalper, ‘di bot, ‘yung pawis muna bago AWW!” sabi ni Rochelle.


Tama naman dahil may mga scalpers na ibinebenta online ang ticket sa February 7 concert date. Marami silang hawak na tiket at very proud pang ibenta ang mga nabili nila. Galit tuloy ang mga Sexbomb fans sa mga scalpers.



Wala nang itinatago, Kathryn…

PAMILYA NINA DANIEL AT KAILA, SAMA-SAMA NANG NAG-DINNER



SAGANA sa ayuda ang mga shippers nina Daniel Padilla at Kaila Estrada dahil sunud-sunod ang labas online ng photos at videos nila na magkasama. Hindi na kailangang paalalahanan ng mga fans na magpakitang magkasama sila dahil kusa na itong lumalabas at, of course, kinakiligan ng kanilang mga supporters.


Ang latest event na magkasama ang magdyowa ay sa thanksgiving and anniversary ng The Child Haus Manila.


Napansin namin na kung noon, marami ang hate comments kay Kaila, ngayon ay mas marami na ang positive remarks. Ang gaan daw nilang tingnan ni Daniel, bagay silang dalawa at sana raw ay sila na ang endgame at sa simbahan na magtapos ang kanilang relasyon.


Of course, hindi pa rin nawala ang pagiging bitter ng ibang fans. Publicity lang daw ang ginagawa nina Daniel at Kaila at inakusahan si Kaila na sumabit na naman sa event ni Daniel. 


Hindi ito ikinatuwa ng mga fans kaya pinayuhan ang bitter fan na kung walang magandang masasabi, huwag na lang magsalita.


Samantala, nasundan ang pagsasama-sama ng kani-kanyang pamilya nina Daniel at Kaila nang mag-dinner ang mga de Belens at Fords sa isang hindi binanggit na restaurant. Padilla family naman daw ang iba pa nilang kasama.



Luis at Jessy, nag-deny na rin…

SOLENN AT NICO, DAMAY SA POWER COUPLE NA NAGHIWALAY



PATI sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ay pinag-isipan ng mga Marites na power couple na na-blind item na hiwalay na. 


But checking on their Instagram (IG), magkasama pa rin sila sa iisang bahay at minsan ay magkatulong pa sa household chores.


Magkasama rin sila sa mga kalokohang reels, gaya ng video na kinatatakutan ng mga foreigners na makasabay sa karaoke ang mga Pinoy. Sobrang laugh trip ang reels na ito at hindi mo maiisip na hiwalay na sila.


Nag-deny na rin si Luis Manzano na sila ni Jessy Mendiola ang nasa blind item. 

“Sleep lang po ako, ‘di po kami,” ang reaction ni Luis sa blind item na madaling pinaniwalaan. 


Nakikita naman na magkasama pa rin sila ni Jessy. Ayaw lang tumigil ng mga netizens at naghahanap pa rin ng showbiz couple na sa paniwala nila ay swak sa blind item.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page