8 araw na raw nagdurusa… KAYE, HALOS ‘DI NA MAKAKAIN DAHIL SA KAKAIBANG SAKIT
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 4, 2026

Photo: IG _kaye_abad
“Just to warn you guys, keep safe. It’s very hard,” ang pahayag ng aktres na si Kaye Abad sa kanyang social media post nang magbahagi siya ng video clip kung saan makikita na siya ay nahihirapan dahil sa sakit na herpangina.
Pahayag ni Kaye, “I’ve been isolating myself from the family for three days now. I think I got it sa airport or sa plane. I felt sick Sunday night.
“At first the symptoms were day one and day two. Actually, I had a fever, no appetite. Very weak, I was just lying down the whole day for two days. I thought it was dengue kasi I have joint pains also.
“But then day three, the mouth sores came out, so akala ko nu’n, I had foot and mouth disease. But when I showed the doctor the picture, especially my throat and the positions of the mouth sores, he said it’s herpangina.
“Ngayon ko lang narinig ‘yun. I Googled it, and it’s more or less the same family as hand, foot, and mouth disease, except herpangina is walang rashes sa hands and sa feet. And sa position ng sores, sa cheeks, sa cheek area, and sa tongue, wala ako sa throat.
“Day 4, dumami na ‘yung mouth sores and today is day 5, today ang pinakamasakit, like stingy. Having a hard time talking. Even smile, ang sakit, having a hard time eating.
“I’ve been eating oatmeal and juicing lang since day three kasi ‘di ko na kaya mag-solid. Kasi ‘pag nag-chew ako, masakit nga kasi meron ako sa cheeks.
“Now in day 5, nag-dinner ako. Nag-blender ako ng spinach, yogurt, cucumber, apples, water and banana kasi kaninang lunch nag-oatmeal ako, ‘yung ‘pag may sumisingit na konting oatmeal sa sides, masakit s’ya.
“Sobrang sakit and then I did not expect na ngayon, nag-juice ako since grabe nga ‘yung pain today. Even ‘yung juicing as in. So nag-straw ako.
“Good thing na rin na wala akong sores sa throat, I can still drink water, which is very important to hydrate, so I drink lots of water. Cold water helps kasi medyo nawawala ‘yung stingy na feeling when I drink water.
“Hopefully, day 8, makakain na ako ng solid foods. No medicine for this, the usual medicine for mouth sores, it won’t work kasi parang ine-explain na it’s not the usual, it’s viral sores.
“Just to warn you guys, keep safe. It’s very hard. Masakit s’ya, guys. I hope I’ll be better.”
Get well soon, Kaye!
Oh, guys, ingat-ingat din kapag may time at huwag kalimutang magdala ng alcohol at maghugas ng kamay para maiwasan ang mga naglipanang virus.
Stay safe, mga Ka-BULGAR!
NAGBIGAY ng matapang at makabayang paalala si Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) post para sa mga Pilipino sa gitna ng tumitinding tensiyon sa Middle East, kung saan hinikayat niya ang lahat na manatiling alerto, magkaisa at unahin ang kaligtasan sa mga panahong puno ng pangamba at kawalang-katiyakan.
Saad ni Sen. Robin, “Narito ang ilang mga paalala para sa kasalukuyang tensiyon sa Middle East dahil sa military conflict sa pagitan ng Iran at Estados Unidos (US). Basahin para manatiling kalmado at maayos ang pag-iisip.
“Maging mapanuri vs fake news. Kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal at mapagkakatiwalaang sources. Iwasan ang pagpapakalat ng ‘di beripikadong balita na maaaring magdulot ng ‘di kinakailangang pangamba.
“Planuhing mabuti ang budget, magplano ng budget at unahin ang mahahalagang pangangailangan. Ang maagang pagba-budget ay makatutulong sa pagharap sa anumang paggalaw ng presyo.
“‘Wag mag-panic buying. Walang pangangailangang mag-imbak nang labis. Ang panic buying ay maaaring magdulot ng shortage at dagdag-presyo.
“Suportahan ang lokal. Tangkilikin ang lokal na produkto upang makatulong sa ating ekonomiya at mabawasan ang epekto ng pagtaas ng import costs.
“Manalig at manatiling handa. Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon at may mga mekanismong nakahanda upang tugunan ang anumang epekto.”
Dagdag pa ni Sen. Robin, “Malalampasan natin itong bagong hamon. Ang Pilipinas ay nakaranas na ng iba’t ibang global shocks sa nakaraan.
“Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala, tamang impormasyon, at pagtutulungan, malalagpasan natin ang anumang hamon.”
Korek ka r’yan, Sen. Robin Padilla, huwag lang kalimutan na magdasal para matapos ang gulo sa Middle East at iwasan mag-panic buying lalo na kung wala namang perang pambili.
Ang ending, panic na lang, walang buying. ‘Di ba, madlang people?
“IN war, no one truly wins,” ito ang sey ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa kanyang social media platform na X (dating Twitter) patungkol sa kasalukuyang giyera sa Middle East.
Dagdag niya, “It’s always the people who are left living in fear, traumatised, and confused. Thinking of everyone affected by the US-Israel-Iran conflict, especially our fellow Filipinos in the Middle East. Praying for safety, clarity, and peace for all.”
Big tumpak ka r’yan, Jodi.
Samantala, sa social media platform na X ay nagbahagi rin ng mensahe ang aktor na si Paulo Avelino sa mga Pilipino ngayon na nasa Middle East.
Saad ni Paulo, “To all my fellow Filipinos in the Middle East and nearby areas, I hope you and your families are safe. Please stay alert, avoid risky areas, and follow local advisories.
“Keep in touch with the Philippine embassy if needed. Stay safe always.”
Anyway, please don’t forget to pray para sa mga kababayan nating damay sa giyera.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments