top of page

Sex video niya, kumalat… “OKAY ‘YAN, NAKAKATULONG SA AKIN” — ARRON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 4, 2026



BULGARY - “OKAY ‘YAN, NAKAKATULONG SA AKIN” – ARRON_IG _arronvillaflor05

Photo: IG _arronvillaflor05



Nagsalita na si Arron Villaflor tungkol sa kontrobersiyal na viral sex video na kinasasangkutan niya at maging nina Nikko Natividad, Ron Angeles at Gil Cuerva.


Nilinaw ng aktor na ang mga kumakalat na video ay mga eksena mula sa kanyang mga nakaraang proyekto sa Vivamax (VMX).


Ayon kay Arron, naniniwala siyang ang pagkalat ng mga bidyong iyon ay bahagi ng isang smear campaign. 


Sa kabila ng isyu, makikitang hindi nababahala ang aktor at patuloy sa kanyang karera.

Sa halip na ma-stress sa negatibong atensiyon, pinili ni Arron na tingnan ang ‘bright side’. 


Sey niya, “Ginamit pa ‘yung ‘Arron, meron ka raw scandal.’ Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. Eh, lahat ng ipinapakita nila, from my Vivamax projects. Ay, naku, napakarami po (ng smear campaign). It’s part of the political industry, so depende sa ‘yo on how you’re gonna react.”


“Okey ‘yan, nakakatulong sa akin,” na nagpapahiwatig na ang pagiging viral ng mga posts ay nagpapataas ng kanyang visibility.


Wala raw siyang pinagsisisihan sa mga nakaraan niyang proyekto at nakatutok sa pagpapalago ng kanyang karera.





PBBCCE 2 Big Winner… LELLA, MAY ATTITUDE NA RAW, NO SHOW SA IT’S SHOWTIME



ANG daming nagtatanong kung bakit no show ang dalawang winner na sina Lella Ford at Caprice Cayetano sa It’s Showtime (IS) nitong Monday.


Ang tanging naroon ay ang runner-up na sina Krystal Mejes, Joaquin Arce at Miguel Vergara.


Kaya sey ng mga netizens…


“Bakit kaya no show si Lella Ford sa It’s Showtime?”

“In my opinion, regardless of the bashing or issue after the big night, she should still show up. Una, Big Winner s’ya sa Kapamilya. Para tuloy n’yang itinapon ang boto sa kanya ng mga supporters n’ya. Second, ‘di lang din naman s’ya ang naging Big Winner na inulan ng bashing paglabas. Third, sabi nga ng mga fans n’ya ay mature s’ya, kaya dapat naintindihan n’ya ang buhay-showbiz na kahit na ano ang gawin, may masasabi at masasabi ang tao at nag-show-up pa rin s’ya. 


“Considered opportunities din ang mga shows na ito para sa kanya. Pumasok s’ya sa pagiging artista at sa PBB, kaya dapat ini-ready n’ya rin ang sarili n’ya sa mga ganitong bagay. Tingnan na lang din ang hate ng mga tao noon kay Eliza Borromeo nang una s’yang na-evict, pero nandu’n s’ya sa mga shows kung saan s’ya kailangan. Hinarap n’ya nang buong-tapang at may lakas ng loob.”


Hindi talaga matigil ang intriga kay Lella sa kanyang pagkapanalo.

Kuda pa ng ibang mga netizens, “Aba! May attitude na agad. Nag-confirm ba naman. Kung ganu’n, sasalang na naman si Mommy Karla (Estrada), s’ya na naman ang magpapaliwanag.”

Sey ng tagapagtanggol ni Lella, “Iba po ang ganap ni Lella, kinita n’ya ang mga fans n’ya. Isa pa, Kapamilya po si Lella kaya ‘di s’ya mai-interview agad sa Unang Hirit (UH) kasi s’yempre, dapat sa Kapamilya Network muna s’ya unang ma-interview.”


“Bakit may magagawa ba s’ya? As if s’ya ang pinakamagaling sa lahat ng mga housemates. ‘Yung ‘di n’ya gusto kasi sila ang magaling sa task, ibig sabihin n’yan, playing safe ang idol mo. Magaling ‘yan sa iyakan, period.”


Marami pang negatibong komento ang mga may disgusto kay Lella Ford. Kaya sabi ng mga bashers, tiyak daw na ang ina nitong si Karla Estrada ang sasagot sa mga ibinabato sa kanyang anak.





Kesa raw gumastos sa mga luxury bags…

KC, MAY BAGONG BILING LUPAIN SA PALAWAN



PROUD si KC Concepcion sa nabili niyang lupain sa San Vicente, Palawan na may magandang view at tanaw ang karagatan.


Para sa anak ng Megastar, mas mahalaga ang pangmatagalang pamumuhunan kaysa sa pansamantalang luho. 


Sa halip na gastusin ang pera sa mga designer bags, pinili niyang ilaan ito sa kanyang dream property, isang hakbang na nagpapakita ng disiplina, delayed gratification at tuluy-tuloy na pag-unlad.


Maingat at malinaw ang planong ginawa ni KC tungkol sa mga pag-invest sa real estate.


Kaya sey ng mga netizens, “Malayo ‘yun sa bayan ng Palawan, pero maganda talagang investment ang lupa.”

“Another investment of KC.”


“Worth it ang pag-hike ‘pag ganito kaganda ang view.”

“Oo nga naman, kaysa ibili ng mga designer bags, ipundar na lang ng lupa at properties. Mana pa ng gold na alahas, at least ‘yun, ‘pag wala ka nang pera, maibebenta mo pa.”


Pagdating sa pag-invest, hindi matatawaran ang kakayahan ni KC Concepcion bilang entrepreneur. Marunong siyang humawak ng pera at alam niya kung saan gagastusin ang pinaghirapan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page