top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Tinanggap daw siya noon kahit walang pera… RYAN, TODO-HINAYANG NA ‘DI SILA NAGKATULUYAN NI YENG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 3, 2026



BIDA - RYAN, TODO-HINAYANG NA ‘DI SILA NAGKATULUYAN NI YENG-IG _ryanbang & _yeng

Photo: IG _ryanbang & _yeng



TOTGA o “The One That Got Away” ni Ryan Bang ang singer na si Yeng Constantino. Sa It’s Showtime (IS) episode kahapon, naging emosyonal si Ryan at umiyak ito nang balikan ang nakaraan nila ni Yeng. Pati si Vice Ganda, naiyak sa kuwento ng anak-anakan niya.


Sa kuwento ni Ryan, naudlot ang dapat na magiging relasyon nila nang dahil sa miscommunication. Ramdam ang panghihinayang niya sa naudlot na love story nila ni Yeng at pati mga fans, nanghinayang din.


Sey ni Ryan, “Thank you, Mommy (Vice) kasi isinama ako sa concert ni Yeng. Nag-flashback sa akin lahat... It was one of my best moments.”


Dagdag pa niya, “Sabi ko, makakahanap kaya ako ng tulad ni Yeng? Nu’ng nag-uumpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala akong kotse, wala akong pera, paulit-ulit ‘yung damit ko. Pero minahal... may chance pala ako sa kanya. Makakahanap kaya ako ng ganu’n?”


Sagot ni Vice kay Ryan, “‘Di ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya ‘di mo kailangang maghanap. Love will find you. Just wait.”


Sa Biyeheng Bente concert ni Yeng, nanood si Ryan (isinama pala siya ni Vice). Nilapitan siya ng singer at kumanta sa harap niya. Doon pa lang, makikita sa mukha ni Ryan na hindi mo alam kung iiyak o ngingiti. Hindi siya umiyak sa concert, sa IS na siya bumigay.


Ang paniwala ng mga fans, kasama rin sa pagiging emosyonal ni Ryan ang breakup nila ng former fiancée niyang si Paola Huyong. Sa show na lang daw ito bumigay. 


Ang dasal ng mga fans, makahanap si Ryan ng kanyang true love. Malabo nang maging sila pa ni Yeng dahil happily married na ito kay Victor Asuncion.





Proud Pinoy… JAMES AT JC, NAKA-BARONG NA NANOOD SA LABAN NI ALEX EALA



SPOTTED sina James Yap at JC Intal (husband ni Bianca Gonzalez) sa US Open at

pinanood at sinuportahan si Alex Eala, na nanalo sa una niyang laban.


Nakakatuwa lang na may dalawang Pinoy na nanood na naka-Barong Tagalog at talagang pinagtinginan ang dalawa na mukhang komportable sa suot.


Samantala, kinol-out ng mga fans ni Alex ang isang Pinoy na nanood din ng US Open. Ipinost kasi nito ang isang hotel keycard na makikita ang name ng hotel at sinabing doon din naka-billet si Alex.


Sabi nito, “Nasa kabilang room si Alex, plan ko sanang katukin, kaso naisip ko na need n’yang magpahinga para sa important games n’ya. Galingan mo, Alex Eala, keep making our country proud. Fan mode kami sa PBA motoclub Team Amazing namin.”


Na-bash si kuya sa kanyang ginawa at tinawag na stalker, clout chaser, kadiri, creepy, at walang respeto. Gusto lang daw nitong i-flex na nasa same hotel siya kung saan si Alex nag-i-stay.


Pinanawagan ng mga fans ang in-charge sa security ni Alex at ng ibang tennis players dahil baka may gumaya kay kuya na sinabi kung nasaang hotel ang sikat na atleta. 


Kaya lang, may fan naman na nagsabing hindi sa binanggit nitong hotel naka-billet si Alex, gusto lang magmayabang ni kuya.





MAGLALAGARE si Vice Ganda sa taping ng Gandang Gabi Vice (GGV), pagho-host ng It’s Showtime (IS) at shooting ng movie nila ni Vic Sotto na The Greatest Showdown (TGS)


Sa tweet ni Vice, tila nag-start na ang first day shooting ng movie na entry sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).


May post din ang Unkabogable Star na in-interview niya si Vic at umaasa ang mga fans na sa GGV show ito nag-guest. Kung totoo ito, ibig sabihin, muling mapapanood si Bossing sa GMA-7.


Still on Vice, lagi pala siyang sinasamahan ng kanyang mga fans sa taping ng GGV

Aniya, “So happy to see my Little Ponies again here in the GGV studio. I’ve been with them almost every taping before. And now na nagbabalik ang GGV, nandito pa rin sila. Ang saya!!!”


Sa September 13, 2026 na ang premiere ng GGV after Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Excited na ang mga fans na mapanood na si Vic na first guest sa show ni Vice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page