top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tinanggal bilang administrator… ARNELL, DAWIT SA P1.4 BILYONG ANOMALYA SA OWWA, INIIMBESTIGAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 18, 20255



Photo: Arnell Ignacio - OWWA Overseas Workers Welfare Administration


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang biglaang pagsibak kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio.


Nu’ng Biyernes ay in-appoint na ni President Bongbong Marcos si Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Patricia Yvonne Caunan bilang bagong OWWA administrator kapalit ni Arnell.


Ang pagtanggal kay Arnell sa puwesto ay may kaugnayan sa P1.4 bilyong acquisition deal na pagbili ng lupa na diumano’y walang pahintulot ng OWWA board.

Kasalukuyan umanong under investigation si Arnell kaugnay ng anomalyang ibinabato sa kanya.


Knowing Arnell kung gaano siya ka-hardworking at dedicated public servant, to the point na minsan ay nagkakasakit na siya dahil sa stress at sa sobrang trabaho, tiyak na masakit para sa kanya ngayon na sa kabila ng mga sakripisyo at tulong niya para sa mga kababayan nating OFWs ay ganito pa ang ibabato sa kanya at mapapala niya.


Nabasa namin ang mga comments ng mga netizens na ang karamihan ay mga OFWs na natulungan ni Arnell sa kanyang pagiging OWWA administrator.


Marami sa kanila ang naaawa, nalulungkot at nakikisimpatya ngayon kay Arnell dahil nakilala nila itong talagang nagtatrabaho, nag-iikot at personal na inaasikaso ang mga problema ng mga OFWs na idinudulog sa kanilang ahensiya para masigurong agad maaksiyunan.


Kaya naman, marami sa kanila ang nagtataka at hindi maiwasang mag-isip at ikonek sa pulitika ang biglaang pagpalit kay Arnell sa OWWA.


Maraming OFWs ang naniniwala na ang pagiging DDS at Duterte appointee ni Arnell ang dahilan kung bakit siya ginagawan ng issue ngayon at idinadawit sa maanomalyang P1.4 B deal na ito.


May mangilan-ngilan man ang humuhusga agad kay Arnell at sinasabing dapat itong makulong, mas marami ang nabasa naming sumusuporta, nagpapasalamat at nagdarasal na sana ay lumabas ang katotohanan at malinis nito ang kanyang pangalan.


‘Yun naman ang katotohanan ng buhay, kapag may ginawa kang maganda at itinatak na malinis na imahe at record, ‘yun ang pinakamalakas na sandata mo para maipagtanggol ang iyong sarili ibagsak at durugin ka man ng iyong mga kalaban.


Kami man ay personal na makakapagpatunay, sa ilang problema ng mga OFWs na inilapit namin kay Arnell para matulungan at matugunan, agad-agad niyang inaksiyunan at talagang pinag-aaralan niya mismo ang bawat kaso para matiyak na nasa tamang proseso ang lahat.


Mabigat ang akusasyong ito kay Arnell Ignacio, pero naniniwala kaming may kapalit na maganda ang lahat ng sakripisyo niya at sa tamang panahon, lalabas din ang katotohanan at malilinis din niya ang kanyang pangalan.


Kahit pa presidente ang bagong dyowa…

BEA, ‘DI KINUKUHANG ENDORSER NG PUREGOLD


TAWA lang nang tawa ang Executive Producer ng Puregold Channel sa YouTube na si Sir Chris Cahilig sa pamimiga namin sa kanya kaugnay ng kalat nang relasyon ngayon ng Puregold president na si Mr. Vincent Co at ni Bea Alonzo.


Dumating si Bea sa second day ng ginanap na 3-day Aling Puring Convention 2025 (from May 15 to 17) sa World Trade Center last Friday, though hindi ito nagtagal at nag-perform lang.


But nope, hindi bilang girlfriend ni Sir Vincent na hands-on sa event, kundi as representative raw ng kanyang shampoo endorsement na isa sa mga produktong mabibili sa Puregold, kaya nandu’n si Bea.


May-I-ask and may-I-piga nga sana kami kay Sir Chris kung paano ba nagsimula ang love story nina Bea and Sir Vincent pero panay lang ang tawa nito at wala namang inispluk, basta siya raw ay may sariling masayang love life. Hahaha!


Ang nasabi lang sa amin ni Sir Chris, mahilig palang manood ng movies o movie fan talaga si Sir Vincent kaya nga all-out support ito sa annual Puregold CinePanalo Film Festival.


Sa tanong kung ‘di ba magpo-produce ng movie si Sir Vincent for Bea, ani Sir Chris, siyempre kailangang may director na mag-pitch ng story at kuning artista si Bea para mapanood ito if ever sa Puregold CinePanalo Filmfest.


Tinanong din namin si Sir Chris kung ang pictorial ba ni Bea sa Spain ay may kinalaman sa Puregold. Baka kasi kinukuha itong endorser at nag-shoot sila ru’n ni Sir Vincent ng commercial kaya nakunan sila ng photo together na holding hands while walking.


“Definitely hindi ‘yun, walang kinalaman ‘yun,” tawa nang tawang sagot ni Sir Chris na kinumpirma ring wala pa namang napag-uusapan so far na kuning endorser si Bea ng Puregold.


Well, malalaman nating endorser na si Bea ng Puregold kapag napalitan na ang pangalan ni Aling Puring. Char!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page