top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tinalbugan si Sharon… ALMA, G NA G, IDINIKIT PA SA MUKHA ANG 'NOTA'

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2023
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 28, 2023





Naloka kami sa pagiging G (as in game) ni Ms. Alma Moreno sa mga eksena niya sa bagong sex-comedy movie ng Vivamax, ang Salamat Daks na pinagbibidahan nina Ayanna Misola at Nikko Natividad.


Kilala naming sexy star si Ms. Ness (palayaw ni Alma) nu'ng kanyang kabataan, pero pls.


correct us kung mali kami, wala kasi kaming matandaang eksenang ginawa niya noon na kasing-daring ng ginawa niya rito sa Salamat Daks.


Kuwento ito ng isang middle-aged woman na dahil bored na sa buhay, gagamitin ang savings niya para magpa-botox at magmukhang bata, lalo't may nakilala siyang isang batang lalaki (played by Nikko Natividad) na bumuhay sa kanyang hmmm…. alam n'yo na!


Sa napanood naming teaser, naloka kami sa eksena ni Ms. Ness na mukhang G na G (gigil na gigil) sa 'notes' na idinikit-ikiniskis pa sa kanyang fezlak!


Sayang at wala si Ms. Ness sa Zoom mediacon kaya hindi namin nahingi ang reaksiyon niya sa naturang eksena.


Naalala tuloy namin 'yung isang eksena naman ni Megastar Sharon Cuneta sa Vivamax movie na Revirginized kung saan nag-dialogue naman ito ng "Ang laki ng t*ti!"


In fairness, mas daring 'yung eksena ni Ms. Alma kay Ate Shawie, pero buti na lang, sex-comedy ang movie kaya less ang malisya at matatawa ka na lang sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page