top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot

Timestamp sa video, ebidensya sa Senate shooting

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | May 25, 2026



CCTV sa Senado - RTVM

Photo: CCTV sa Senado - RTVM



Tanging timestamped umano ang matatawag na ebidensya na walang alam ang mga miyembro ng bagong mayorya sa naganap na putukan sa Senado. 


Ayon umano sa empleyado at reporter na ‘di pinangalanan, ang mga larawang kuha ng mga miyembro ng bagong mayorya na masayang kumakain at nagkakasayahan ay naganap bago ang putukan taliwas sa lumabas na ulat na ito’y kuha pagkatapos ng insidente. 


At matapos na makarinig ng putok ng mga senador ay isa-isa rin silang nag-alala at natakot. Patunay pa umano rito ang pag-live at paghingi ng saklolo ng ilang mga senador sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano. 


Napag-alaman pa na bago umano nangumusta ang ilang miyembro ng bagong minorya ay una munang nag-message sa group chat si Senadora Camille Villar na okey lang sila sa Senado at matapos nito ay saka lamang nag-comment ang mga senador na miyembro ng bagong minorya. 


Hindi rin umanong papayag ang mga empleyado at media na sumabay sa isang sarswelang scripted, na buhay nila ang nakataya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page