TikTok sa gov't. device, bawal na
- BULGAR

- Mar 18, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 18, 2023

UNITED KINGDOM — Ipinagbawal na ang paglagay ng social media app na TikTok sa mga gamit na pag-aari ng gobyerno.
Ayon kay Cabinet Office minister Oliver Dowden, magiging epektibo ang kautusan sa pagtanggal ng nasabing Chinese-owned video app.
Nagsagawa ang mga eksperto ng risk assessment sa nasabing third-party apps na may kaugnayan sa sensitibong datos ng gobyerno.
Kung kaya’t ang tanging mga apps na nasa approved list ang papayagang ilagay sa mga device ng gobyerno, kasunod rin ng pagbabawal na ipinatupad ng US at ng European Union.





Comments