top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tikom ang bibig sa hiwalayan… JANELLA, BINATI SI MARKUS SA B-DAY

BULGAR
Jun 6, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 6, 2022



Dedma lang sina Janella Salvador at Markus Paterson sa kumakalat na isyung matagal na silang break.


Hindi nila pinatulan ang isyu. Walang nagsalita isa man sa kanila. Basta ang priority nila ay ang kanilang cute na anak na si Jude.


Kamakailan ay nagselebreyt ng kaarawan si Markus. Binati siya ni Janella sa social media account nito.


"Always rooting for your success, well-being and happiness. Happy birthday @markus! (with 2 wine glass emoji)."


Simpleng "Thank you!" ang sagot ng actor sa birthday greetings ni Janella.


Reaksiyon ng mga netizens sa kanilang pagsasama, "Personally, I don't think so. They just decided to be lowkey. Ang mahalaga, both si Jude priority. Kita naman na hands-on sila kahit parehas working."


"Bakit parang ‘di na sweet? Totoo bang break na?"


"Ahh, very casual."


"Hiwalay na sila but trying to be okay for their child. Wala nang sweet messages. Respect na lang for each other."


"Malapit na kasing ipalabas ang Darna. Si Markus, kina Janella pa rin tumutuloy."


"Looks like the millennials are not up to the stresses of marriage :) :) :) Marriage + family is not all rainbows, butterflies and unicorns. Mas mahirap pa ‘yan sa 8 AM to 5 PM day job mo. Holding together a family is a constant 24/7 job and it never gets easier as time goes by.”


Grabe naman ang komento ng isang ito, imbes na ipag-pray ang pagsasama ng young couple, winish pang maghiwalay, "Sa hiwalayan din papunta ang relasyon nila. Let’s wait patiently.”


"Very civil ng greeting. Mukhang mutual decision naman nila ang maghiwalay muna."

"Hiwalay na sila. Trying to keep it private lang because they're protecting their child. Looks like they separated naman nang maayos. It's actually good that they're being matured about it kaysa pagpiyestahan ng mga tao ‘yung hiwalayan nila, tapos in the end, ang pinakamaaapektuhan, ‘yung bata."


"Ang generic na ng mga captions and pagbati nila sa isa't isa just like how Markus greeted Janella din nu’ng Mother's Day."


"Mahirap itago ‘pag hiwalay na lalo na sa mga public figures and celebrity couples. In time, aamin din ‘tong dalawa."


"Lowkey lang sila kasi back to work na. Ganyan naman sila nu’ng magsyota sila. Siyempre, kailangan munang umingay ulit for Janella. Plus galing sa broken family si Jea, bata pa lang. I doubt naman na gusto niyang maging maaga na broken fam sila, lalo na ang liit pa ng baby nila. Mukhang okay naman sila kasi nakikita ko du’n pa rin si Markus nag-i-stay sa bahay nina Janella."


"If hiwalay na, it's good to see that they are civil and co-parenting."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page