Tiisin na lang daw dahil may sakit… NETIZENS KAY VG MARC: 'WAG KANG SUSUKO KAY KRIS
ni Nitz Miralles @Bida | July 19, 2023

Tinapos na nga ni Kris Aquino ang relasyon nila ni Marc Leviste at sinilip namin ang mga social media accounts ng pulitiko para malaman kung ano ang naging reaction niya sa post ng Queen of All Media tungkol sa kanilang hiwalayan.
Parehong ipinost ni Marc sa kanyang Instagram at Facebook ang larawan nilang dalawa ni Kris na may caption na: “For love, friendship and prosperity.”
Hindi kami sure kung ang ibig bang sabihin nito ay nag-give-up na rin si Marc kay Kris o itutuloy pa rin niya ang panunuyo sa ex-girlfriend.
Ang mga kinilig noong aminin ni Kris na sila na ni Marc ay biglang nalungkot sa update sa relasyon ng dalawa, pero positive ang mga komentong mababasa sa comment section at pinayuhan pa nila si Marc na ‘wag mag-give-up kay Kris.
May nag-comment na, “Please don’t stop loving her, she needs you more than anything.”
“Ipaglaban mo, Sir, be patient with her because of her illnesses, ikaw ang paborito ko sa mga nakarelasyon niya. Your love for her will help her in her healing,” at “You’re still smiling kahit na-friendzone ka. I like your attitude.”
For sure, hindi pa ito ang ending sa Marc-Kris relationship, kaya mag-abang lang tayo ng mga susunod na magaganap.





Comments