top of page
Search
  • BULGAR

Tiis-tiis daw kay KC… "AYAW KO NA RING ISIKSIK ANG SARILI KO SA ANAK KO. I’M TIRED NA” — SHARON

ni Julie Bonifacio @Winner | May 12, 2024



Showbiz Photo
File photo: Sharon Cuneta / KC Concepcion

Umamin na si Megastar Sharon Cuneta sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.


Inamin ni Sharon na may problema sila ni KC and “We are estranged,” ang mariing description ng aktres sa relasyon nila ngayon ng anak nang mainterbyu siya nu’ng nag-file sila ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan ng libel case kontra kay Cristy Fermin sa Makati City kamakailan.


Pahayag ni Mega sa interbyu, “At anuman ang problema rin namin nu’ng panganay ko, because at this point we’re estranged and I’m very, very hurt.


“Pero there are things na tama na ‘yun. There are things na sa ‘min na lang. And, pagbali-baligtarin mo man ang mundo, mahal mo ang anak mo, eh. So, tiis-tiis na lang bilang nanay.


“Pero darating ang point na ayaw ko na ring isiksik ang sarili ko sa anak ko. I’m tired na.”


Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa pahayag ni Mega — merong nakisimpatya at meron ding pumuna.


“Masakit ‘yan kay Sharon, pero kung wala na ngang respeto sa 'yo ang anak mo at wala nang pakialam sa 'yo kahit nagkasakit ka na at lahat, 'wag mo na ngang ipilit ang sarili mo na pansinin ka. Bahala na si Lord sa kanya.”


“‘Wag puro kay Sharon ang sisi, Sharon is Sharon. OA, emotional, she wears her heart on her sleeve pero mabuti siyang ina. Si KC ang ingrata at laging may hinahanap, to the point na lahat ng nakakasakit kay Sharon, ginagawa n’ya. Kaya mas gusto ni KC si Gabby dahil ‘di siya binabawalan.”


“Parang si KC naman talaga naglalayo ng loob n’ya kay Sharon and her family. Kay Gabby na lumitaw lang after how many years, mas close pa s’ya. Ayoko talaga sa ugali ni KC.”


Meron namang kampi kay KC. Sey ng mga netizens, “Funny naman si Sharon. Sabi mo, may pagkakataon na sa inyo na lang, but ikaw mismo ang nagsabi na estranged kayo ni KC. Then ikaw din nag-announce sa public. I feel for KC…”


“She is an adult na, not a young adult but an old adult. Obviously, she chooses to not be around Sharon and Sharon needs to respect her decision.”


Also, may netizens na buwisit na rin sa galit-bating “drama” ng mag-inang Sharon at KC.


“Puro paandar ang mag-ina na ito. Nu’n pa naman sila not in speaking terms, bakit need pa ungkatin paulit-ulit. Rewind?”


“I know right, nag-drama pa silang mag-ina sa concert, tapos ngayon. Hay, ewan! Hirap 'pag nasa iyo na ang lahat, ikaw na lang mismo gagawa ng problema.”


Dahil sumambulat sa publiko ang ‘di magandang relasyon ng mag-ina, malay natin, sinadya ni KC na sumabay sa Mother’s Day at sabihin din kay Sharon na isa siyang mabuting ina, gaya ng sinabi ng tatlong anak ni Mega kay Kiko na sina Frankie, Miel at Miguel.


May statement din kasi si Sharon sa isang interbyu na rason kung bakit niya idinemanda ang pamosong talk show host na si Cristy Fermin.


Pahayag ni Mega sa interbyu sa kanya ni MJ Felipe para sa TV Patrol, “Inalagaan ko 'yung pangalan ko ng 46 years, maganda ang palaki sa 'kin ng mga magulang ko. At higit sa lahat, sabi ng tatlong anak ko, mabuti akong ina. So, napakasakit sa 'kin,” lahad ni Sharon.


Reading between the lines, never pang sinabi ni KC kay Sharon na naging mabuti siyang ina?


Ouch!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page