top of page

Tigilan daw ang anak niya… MADIR NI FRANCINE, BINANTAAN SINA ANDREA AT SETH

  • BULGAR
  • Apr 13, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 13, 2022




Ano kaya ang gustong palabasin ng ina at pinsan ni Francine Diaz patungkol kina Andrea Brillantes at Seth Fedelin?


May mahabang post ang mother ng young actress sa kanyang Facebook account named Merdick Saenz Diaz.


Bungad ng ina ni Francine, "Nananahimik ang anak ko, tigil-tigilan mo na ang anak ko. Manahimik ka na. 'Wag mo kong piliting maubos ang pasensiya ko sa inyo. Baka magkaalaman tayo."


Ayon pa kay Momshie Merdick, "Hangga't maaari, ayaw kitang patulan, puro pang-unawa at pagpaparaya ang ibinigay sa 'yo ng anak ko, inamin na lang sa ikatatahimik ng lahat. Sa tuwing naba-bash ka, kayo, lagi n'yong idinadawit ang anak ko. Hindi porke't hindi kami sumasagot at kumikibo, OK LANG SA AMIN!! 'WAG AKO, ANDREA BRILLANTES!"


May litanya rin ang ina ni Francine kay Seth.


"At ikaw, Seth, sana ganyan din ang ginagawa mong pagtatanggol sa anak kong nadamay sa 'yo. Kung talagang itinuturing mong kaibigan ang anak ko, na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo, pero ano'ng ginawa n'yo?! Sobra na ang pagtitimpi ko, hindi na puwede 'tong ginagawa n'yo."


Tanong pa ng ina ni Francine kay Andrea, "Bakit nga ba, ANDREA BRILLANTES, GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO, na wala namang ginawa sa 'yo?"


Paghamon pa nito sa girlfriend ni Ricci Rivero, "Ikaw mag-umpisa ng sasabihin mo, sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media. SOBRA KA NA! Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binu-bully ang anak ko, kayo! Sino'ng nanay at magulang na panonoorin mo na lang na laging inaaway at binu-bully ang anak mo! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas, ginawa namin sa 'yo, sa inyo. Alam n'yo 'yan."


At maging ang pinsan ni Francine, may litanya rin tungkol kay Andrea, pero hindi na namin pinatulang isulat.


Ang ipinagtataka lang namin, bakit nagsasalita ang ina ni Francine ng mga ganu'ng bagay?


At saka, wala namang sinabing against si Seth about Francine nang ipagtanggol ng young actor ang kanyang kalabtim.


Tuloy, naisip namin, hindi kaya may halong inggit ang ina ni Francine kina Andrea at Seth dahil viral ang SethDrea ngayon at napag-iwanan ang kanyang anak?


Kasi napaisip lang kami, bakit ngayon nagsalita ang ina gayung wala sa frame ang anak niya kundi sina Seth, Andrea at Ricci lang?


Isa pa, napansin din namin na wala man lang ni isang komento sa comment section sa mahabang litanya ng ina ni Francine. Meaning, as in zero comment.


Obserbasyon lang po ng inyong lingkod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page