top of page
Search
  • BULGAR

Tiger Boy, kikilatisin sa Condition Race

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 2, 2022


Makikilatis ng mga karerista ang tikas ni Tiger Boy paglarga nito sa Condition Race Merged na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Gagabayan ni jockey AR Villegas, mapapalaban si Tiger Boy kina Hook The Hustler, My Jopay, The Accountant, A.P. Factor at Namayan sa distansiyang 1,200 meter race.


Ayon sa komento ng ibang karerista, napipisil nilang magbibigay ng magandang laban sina Hook The Hustler at My Jopay.


Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa winning horse owner, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Magandang laban 'yan, mga pang stakes race ang mga kasali kaya sigurado bakbakan ang mapapanood natin," saad ni Jestoni Villanueva, veteran karerista.


Isa pang aabangan ng mga karerista ang labanan ng walong mahuhusay na kabayo sa PHILRACOm Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pangalawang karera.


Samantala may 7 races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes kaya inaasahang masaya ang pangangarera ng mga karerista.


Mga Pili ni Green Lantern:

Race 1 - Tiger Boy (4), My Jopay (2)

Race 2 - The Queen/Happy Man (3/3A), Yabba Dabba Doo (5)

Race 3 - Dollarama (6), Manang Biday (5), Dominatore (3)

Race 4 - My Dad Bogart (2), Smiling Lady (3), El Mundo (6)

Race 5 - Believe Me (2), Eyeshot (6), Hugo Bozz (1)

Race 6 - Hi Jack (5), Baywatch (6), Wild Act (7)

Race 7 - Double Strike (14), Greatest Joy (8), Crown Jewel (7)


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page