Tie raw sila ni Ivana… "PAREHAS KAMING NALOKO KAHIT ANG GANDA-GANDA NA NAMIN" — ANDREA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 24, 2023

Inimbitahan ng sexy actress na si Ivana Alawi ang young actress na si Andrea Brillantes para maging guest sa kanyang vlog.
At dito na nga sila natanong ng mga followers ni Ivana kung ano ang ‘in common’ nila ni Andrea.
Ani ng sexy actress, “Parehas kaming naloko.”
Mabilis namang sumang-ayon dito ang lead star ng seryeng Senior High. Hirit ni Andrea, “Parehas kaming naloko kahit ang ganda-ganda na namin.”
Ang puno ng hugot na sabi naman ni Ivana, “Hindi lang sa ganda ‘yun, hindi lang talaga makuntento ang mga lalaki na ‘yan.”
Sa tanong kung bibigyan daw ba nila ng second chance ang mga guys na nanloko sa kanila?
“Ako, sa buong buhay ko, second chance, ‘di na nga second, eh, ilang chances. Sa ngayon, no more chance na. Kasi na-realize ko, hindi na, eh, kapag ipinakita na sa ‘yo, ‘yun na ‘yun, eh,” ang sagot ni Andrea.





Comments