top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tiba-tiba na naman ang Pharmally ‘pag ibinalik ang face shield

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 30, 2021


HAPPY DAYS NG MGA TRAPO NA KABILANG SA POLITICAL DYNASTY, TAGILID KAY VP LENI—Nagbabala si Vice-Pres. Leni Robredo na kapag siya ang nanalong pangulo ay ipagbabawal na niya ang political dynasty o ‘yung magkakapamilyang pulitiko na sabayang kumakandidato tuwing eleksiyon.


Dahil d’yan, malamang ay magsanib-puwersa ang mga trapo (traditional politicians) na kabilang sa political dynasty para hindi manalo si VP Leni dahil kapag ito ang nanalo, tapos ang happy days nila, tapos na ang kanilang family business sa gobyerno, boom!


◘◘◘


HINDI LANG HUMAN RIGHTS VICTIMS ANG TRINAYDOR NI ROQUE, KUNDI PATI SI P-DUTERTE—Nagdeklara na si dating presidential spokesman Harry Roque, Jr. na ang susuportahan niya for president ay si former Sen. Bongbong Marcos at hindi ang manok ni P-Duterte na si Sen. Bong Go.


May pagkatraydor pala talaga ang pagkatao ni Roque kasi ng tanggapin niya ang pagiging spokesman ni P-Duterte ay lantaran nitong trinaydor ang mga human rights victims kasi kilala ang pangulo sa mundo bilang “human rights violator”, tapos ngayon ay mismong ang nagbigay ng trabaho sa kanyang bilang presidential spokesman ang trinaydor niya, period!


◘◘◘


KAPAG IBINALIK ANG MANDATORY NA PAGGAMIT NG FACE SHIELD, BAKA TUMIBA NA NAMAN ANG MGA TAGA-PHARMALLY—Dahil sa bagong COVID-19 variant na Omicron na nananalasa sa South Africa at ilang bansa sa Europe, pinagpaplanuhan ngayon ng IATF (Inter-Agency Task Force) na ibalik ang mandatory na paggamit ng face shield.


Dahil d’yan, malamang ay naglulundag na naman sa tuwa ang mga executives ng Pharmally Pharmaceutical Corp. kasi kapag sa kanila na naman naibigay ang kontrata ay tiba-tiba sila sa idi-deliver nilang overpriced sa face shield sa pamahalaan, buwisit!


◘◘◘


GUSTO NG DOH VOLUNTEER ANG HEALTH WORKERS, PERO SA PHARMALLY TODO-BUHOS ANG PAGBIBIGAY NG PONDO—Sa tatlong araw na vaccination drive ng DOH (Department of Health) na nag-start kahapon (Nov. 29) at magtatapos bukas (Dec. 1), ang nakatulong pala nila sa pagbabakuna ay volunteer health workers.


Kapag sinabing volunteer ay “walang suweldo”.


Pambihira, kapag sa Pharmally todo-buhos ang pamahalaan sa pagbibigay ng pondo, pero kapag sa heath workers ang gusto ay “volunteer” o walang suweldo, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page