top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Thompson, Sotto at Clarkson una sa final 12 ng Gilas Roster

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 24, 2023



Laro sa Biyernes – Philippine Arena

4:00 p.m. Angola vs. Italya

8:00 p.m. Dominican Republic vs. Pilipinas


Matapos ang ilang buwan na espekulasyon at pagtatalo na humati sa bansa, panahon na upang magkaisa at suportahan ang magiting na 12 manlalaro na napili para sa 2023 FIBA World Cup simula bukas sa Philippine Arena. Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang opisyal na listahan kasabay ng huling pulong ng mga kinatawan ng koponan kahapon.


Numero uno ang pangalan ni Jordan Clarkson, ang inaasahang magiging pangunahing sandata ng Gilas Pilipinas. Tiyak na angat ang kalidad ng 6’4” gwardiya.


May mga higante ang mga Pinoy sa katauhan ni 6’10” six-time PBA MVP June Mar Fajardo at mga kabataan 7’3” Kai Sotto at 6’10” AJ Edu. Isama na rin ang beterano na si Japeth Aguilar na pangunahing power forward ng Gilas.


Tiyak na maghahatid ng mga makapigil-hiningang paglipad sa ere sina CJ Perez, Jamie Malonzo at Rhenz Abando. Si Perez ang nakikitang maghahatid ng opensa at tulungan si Clarkson.


Ang iba pang mga gwardiya ay sina PBA MVP Scottie Thompson, Dwight Ramos, Kiefer Ravena at shooter Roger Pogoy. Ang huling apat na hindi nakasama sa listahan ay sina Cris Newsome, Ray Parks, Calvin Oftana at Thirdy Ravena.


Ginamit ni Coach Chot Reyes ang kombinasyon nina Clarkson, Aguilar, Edu, Pogoy at Ramos. Nagbago lang ito noong laban sa Mexico kung saan nagpahinga si Clarkson kaya pinalitan siya ni Thompson habang kinuha ni Sotto ang pwesto ni Edu.


Iginiit ni Coach Reyes na ginamit nilang batayan sa pagpili ang pisikal na kondisyon ng manlalaro at kung aangkop sa sistema na nais nilang patakbuhin. Magsisilbing assistant coach sina Tim Cone at Joseph Uichico.


Samantala, may bagong Pangulo ang FIBA sa katauhan ni Sheikh Saud Ali Al Thani ng Qatar matapos mahalal sa FIBA World Congress. Papalitan niya si Hamane Niang ng Mali hanggang 2027.

2 Comments


kenlong ken
kenlong ken
Jun 18

Ginebra vs San Miguel features one of the most anticipated rivalries in Philippine basketball. Fans can explore player statistics, key plays, and game analysis to understand how both teams competed and which performers played crucial roles in the matchup.

https://www.tigerscores.com/ginebra-vs-san-miguel/

Like

kenlong ken
kenlong ken
Mar 19

The PBA Draft 2026 is shaping up with promising talent from different leagues. Scouts are closely watching prospects. See which players are ready to step into the big stage:


PBA Draft 2026

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page