top of page
Search
  • BULGAR

This is it, Xian! VICE KAY KIM: YOU DESERVE THE BEST. YOU DESERVE LOVE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 13, 2023




Kung sa mainit na balitang hiwalayan ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay tipong ang ina ng aktor na si Annabelle Rama nga ang nag-spill the beans, sa inaabangan namang kumpirmasyon sa napabalita ring Kim Chiu-Xian Lim split-up ay tila ang It's Showtime host na si Vice Ganda na ang nagbukas ng bintana at nagpasilip ng liwanag sa mga naguguluhang KimXi fans. 

 

Sa episode kasi ng It's Showtime kahapon, Martes, may hint nang ibinigay si Vice tungkol sa estado ng puso at love life ngayon ng co-host niyang si Kimmy.

 

Sa segment ng noontime show na Expecially For You, napag-usapan nila ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay ng contestant at ng ex nito. 

 

Napansin ni Vice na nanahimik si Kim, kaya biniro niya ito kasunod ang makahulugang linya na, "Maganda ka. Mabuti kang tao. Maganda ang mukha mo. Maganda ang puso mo. YOU DESERVE THE BEST. YOU DESERVE LOVE,” sabay yakap nang mahigpit sa aktres.

 

Obyus namang pinigil lang ni Kim ang maiyak pero mababasa sa mukha nito ang kalungkutan.

Hmmm… Feeling namin, humahanap na lang talaga si Kim Chiu ng right timing para sa kanyang 'big reveal' sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim.

 

Nakakaloka ang taong 2023, 'no?! Ano kaya'ng meron sa taong ito at maging 'yung mga super-tagal nang magdyowa ay naghiwalay pa?

 

Maitanong nga kay Maestro Honorio Ong kapag nag-guest sa aming online show every Saturday, 11 AM, sa Facebook page ng BULGAR, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na!.


'Di ba naman, Ateng Julie Bonifacio?

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page