This is it, Rayver! JANINE, UMAMING JOJOWAIN SI PAULO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 24, 2022

Kinilig ang mga nakapanood ng Truth or Dare benefit interactive show sa Kapamilya Network nitong Biyernes kina Paulo Avelino at JC de Vera dahil sa tanong ng una sa leading lady niyang si Janine Gutierrez sa katatapos na iWant series na Marry Me, Marry You.
Ang benefit interactive show ay hinost nina Darla Sauler at Alora Sasam at ang malilikom ay para sa mga biktima ng bagyong Odette na nangyari sa Visayas at Mindanao.
Sinorpresa ng show si Paulo na nagpasalamat sa mga nakapanood ng serye nila at sabi ni Janine, “Andrei, ‘wag ka nang magtampo dahil kahit na hindi tayo magkasama ngayon ay alam mong nandito si Cam-Cam mo para sa ‘yo.”
Cam-Cam at Andrei ang karakter nina Avelino at Gutierrez sa Marry Me, Marry You at kinilig sina Darla at Alora sa sinabing ito ng aktres sa kanyang leading man.
Sinundan ng tanong ni Paulo ng, “May question, type mo raw ba ako?”
Masayang sagot ni Janine, “Tawag ka ulit ‘pag umabot ng P2 million (ang nakolektang donations).”
Hirit ulit ng aktor, “(So) Sasagutin mo na ako kapag umabot ng 2 million? Jojowain mo ba ako o totropahin mo raw ba ako?”
Natatawang sabi naman ng dalaga, “Pinakasalan na nga kita, eh (sa serye).”
“Eh, sa show (‘yun), ‘di ba?” balik-tanong ni Paulo kay Janine.
“Dahil naka-two million kayo, jojowain,” masayang tinig ng dalaga sa kabilang linya.
So, dear readers ng BULGAR, ano sa tingin n’yo ang estado ngayon nina Janine at Paulo?
Samantala, umabot naman sa P109,000 ang nalikom nina Pau at JC sa pakikisaya nila sa mga viewers at kina Darla at Alora at aabot sa 203 pamilya ang mabibiyayaan nito.





Comments