This is it! JULIE ANNE, 'FAM' NA ANG TAWAG SA PAMILYA NI RAYVER
ni Nitz Miralles - @Bida | July 12, 2022

Ang paniwala ng mga fans nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, mag-boyfriend na sila dahil “faaaam” na ang tawag ni Julie sa pamilya ni Rayver.
Pansin din ng mga fans sa latest photos ng dalawa na kuha sa bahay nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, lagi silang magkadikit at laging nakaakbay si Rayver kay Julie and vice-versa.
Parang party sa bahay nina Dianne at Rodjun ang okasyon, pero ang caption ni Dianne, “Super fun bonding with the San Jose Family. Thank you, Lord, for the gift of family and friends!”
Nag-family bonding na sila, ano kaya ang susunod?
Walang kumokontra sa relasyon nina Rayver at Julie. Bagay daw ang dalawa na parehong kumakanta at sumasayaw.
Ang mga comments nga sa post ng TikTok nina Julie at Rayver plus Rodjun at Dianne ay “Finally,” “At sa wakas, natupad din ang pinakahihintay ko,” “Ang saya-saya” at “Ayieee! Kinikilig ako.”
Speaking of Julie, balik-acting siya sa Maria Clara at Ibarra kasama sina Barbie Forteza at Dennis Trillo. Gaganap si Julie na Maria Clara sa panahon ng Noli Me Tangere at si Barbie, Maria Clara sa panahon ng Gen Z.
Hindi naman siguro pagseselosan ni Rayver kung kiligin si Julie kay Dennis dahil gaya ni Barbie, naging crush din niya ang mister ni Jennylyn Mercado.
This July na ang simula ng taping ng series na ito.





Comments