This is it, Francine! SETH, MAY PINAGHAHANDAAN KAYA TODO-TAYO NG NEGOSYO
- BULGAR
- Sep 1, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 1, 2022

Certified negosyante na ang young actor na si Seth Fedelin. Isa siya sa mga may-ari ng Café Saranggola na matatagpuan sa Asian Village Tagaytay, Sta. Rosa-Tagaytay Road, Bgy. San Francisco, Tagaytay City.
Business partners ni Seth sa Café Saranggola ang ex-wife ni Vhong Navarro at talent manager na si Bianca Lapus, plus ilang private personalities na sina Eddie Posadas (from Sacramento, USA), Claire Benigno, at Mae Maghirang na partner din ni Bianca sa Velvet Media Inc./Top Shelf magazine).
Personal kaming naimbitahan sa grand opening nito kamakailan kung saan sabay ding ginanap ang contract signing ng partnership nila sa Café Saranggola sa Asian Village. At pagkatapos ng pirmahan ay eksklusibo naming nakausap sina Bianca at Seth.
Kuwento ni Bianca sa amin, “Nagdi-dinner kami. Tapos, siya ‘yung may initiative, siya ‘yung nagsabi na, ‘Gusto kong magnegosyo. Magnegosyo kaya tayo?’ Eh, sumakto naman na under construction ‘yung Café Saranggola.”
Sinubukan ni Bianca na pagbigyan ang hiling ni Seth na pasukin ang pagnenegosyo nu’ng kausapin niya ang kanyang mga partners sa Café Saranggola.
Pumayag naman daw ang mga partners niya na i-join na si Seth sa business nila. Gusto rin kasi ni Bianca na mai-guide si Seth sa bagong larangan na pinasok nito since marami na rin namang nahawakang negosyo ang ex-wife ni Vhong. At the same time, mapoprotektahan din niya si Seth.
Kalalabas lang daw ni Seth ng PBB (Pinoy Big Brother) nu’ng makilala siya ni Bianca, pero 'di nagdalawang-isip ang aktor na makisosyo sa Café Saranggola.
“Hindi kasi ano naman, eh, ‘yung tiwala ko kay Mama B, nandoon. So, first business ko, saka gusto ko rin talagang matulungan ako kung paano ang takbo sa pagbi-business.”
Pinayuhan din ni Bianca si Seth na gayahin ang ginawa ng ibang artista na pinasok din ang pagnenegosyo tulad ni Marvin Agustin, at least, hindi nasayang ang pinaghirapan ng mga ito.
Say ni Seth, “Kumbaga, ‘yung pera ko, napupunta hindi lang sa… ‘yun din ang naiisip ko ngayon, eh. Siyempre, tama na tayo sa mga laru-laro.
“Oo, nagseseryoso na ako kasi mahirap na. Kasi kapag iisipin mo, kung saan ka pupulutin bukas, ay, nakupo!”
Bukod sa Café Saranggola, nagpaplano pa si Seth ng iba pang negosyo tulad ng kainan, clothing line at car wash.
“Paunti-unti muna,” ayon kay Seth. “Paplanuhin natin ‘yan. Hindi madalian ‘yan.”
Feeling proud si Seth ngayong isa na siyang negosyante.
“Para sa akin, malaking achievement na ‘to. Malaking starting point ko, ayun.”
Natuwa naman si Bianca sa sinabi ni Seth.
“Stepping up na siya,” masayang sabi ni Bianca. “Tsaka ano, Adulting 101, ‘di ba? Adult na siya, nagbi-business na.”
Baka may pinaghahandaan na si Seth?
“Yap,” pag-amin ni Seth. “Siyempre, para sa sarili ko. Kasi hindi naman habambuhay, hindi natin alam, ‘di ba po?
“Kailangan nating mag-isip hindi lang sa nature ng work natin. Hindi lang sa, as in sa TV ka lang hahanap, sa TV ka lang magdedelihensiya. Dapat outside rin.”
Ipinagkalat na raw niya sa mga celebrity friends niya ang tungkol sa Café Saranggola gaya ni Darren Espanto.
Ayon kay Bianca, nakapunta na rin daw sa Café Saranggola ang nababalitang girlfriend ni Seth na si Francine Diaz.
“Nagpunta na dito si Francine (Diaz) actually. Pero hindi pa bukas ‘yung café. Hahaha! Dumaan lang siya,” pambubuking pa ni Bianca.
‘Yun na!




Comments