This is it, Alodia! WIL, IPINAKILALA NA SI CARLA SA MAGULANG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 20, 2022

In-introduce na ni Wil Dasovich si Carla Humphries sa kanyang family.
Mismong ang vlogger at former Pinoy Big Brother housemate ang nagbalita last Saturday na ipinakilala na niya ang actress sa kanyang pamilya.
Makikita sa YouTube channel ni Dasovich nang dinala niya si Carla sa kanyang parents.
May dalang goodies ang celeb couple kung saan masaya namang inestima ng parents ni Wil ang actress.
"I'm so nervous to see you that I might be star struck. I thought I have met you before because I've seen you so much," sey ng ama ni Wil.
Na-meet din ni Carla Humphries ang sister ni Wil na si Haley.
Sambit naman ng kanyang kapatid, "She’s amazing. She’s my new best friend now, obviously. I wanna be best friends with her."
Si Alodia Gosiengfiao ang dating girlfriend ni Wil Dasovich. Nagkahiwalay sila last November, 2021.
Last April, 2022, may posted photo naman si Wil with Carla kung saan marami ang nagsasabing ang actress umano ang bago niyang karelasyon.
Ang larawan ng dalawa ay kuha sa Urban Light installment sa Los Angeles County Museum of Art.
Ngayon na lang uli nasundan ang balita tungkol sa dalawang personalidad.
Wala pa namang pag-amin mula kina Carla at Wil.
Komento nga ng mga netizens, "Wala pang pag-amin, pero ang dinala na si Carla at ipinakilala sa magulang, eh, ibang usapan na."
May nagsasabi namang "Baka sa simbahan na ang tuloy nila."
Sey mo, Alodia?





Comments