top of page

This is it! ALDEN AT KATHRYN, MAGSASAMA SA CANADA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2024
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 13, 2024




Pa-fall nga bang talaga si Alden Richards o sadyang magaling lang itong sumakay sa mga promo slant?


Sa latest kasi nitong statement na, "What you see is what you get," kaugnay ng kung anong totoong meron sa kanila ngayon ni Kathryn Bernardo ay sinasabi nga ng marami na pang-promo o gimik lang ito.


Simula kasi nang ma-reconnect uli sila after maging single si Kath, dumami ang shippers na sana nga’y sila na lang, o mas tamang sabihin na nag-"hopia" ang lahat na puwedeng maging sila?


Wala naman kaming nakikitang mali o pangit sa sitwasyon dahil kapwa single sila (as we all know), pero nang dahil nga sa upcoming project nila na nag-uumpisa na ngang pag-usapan, including pagbisita sa Canada to shoot, siyempre, iisipin nating lahat na "pang-promo" na naman ito.


Yes, kung inyong matatandaan, sa movie nilang Hello, Love, Goodbye na sa Hong Kong ginawa, naging malaking parte ng kuwento ang Canada kung saan may bagong iikot na karugtong na kuwento.


At dahil sa balitang may mga taga-production nang naglo-location hunting sa Canada for a project with Kath and Alden, wan plus wan equals what you see is what you get na nga, hahahaha!


Abangan, mga Ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page