Third party daw sa hiwalayan kay Katrice… KLEA, INAMIN NA ANG MERON SA KANILA NI JANELLA
- BULGAR
- 1 hour ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 4, 2025
Photo: Klea at Janella - IG
Obvious na may nagpapakalat ng maling information tungkol sa lagay ng kontrata ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA-7.
May nagpadala sa amin ng picture ni Bea na nakakalat sa socmed (social media). Nakalagay sa picture, “‘Di na s’ya nag-renew sa Kapuso Network.”
May nakalagay din na ganito, “Bea Alonzo no longer a Kapuso,” at “May pagbabalik kaya sa ABS-CBN?”
Malinaw na isang malaking fake news ito.
Ayon sa aming source, malayo pa ang renewal time ng contract ni Bea sa GMA-7. Posible raw na may mga tao na nagkakalat ng maling info about Bea.
At ang matindi pa raw, sinabi pa ng nagpapakalat ng fake news kay Bea na sisiguraduhin nito na hindi ire-renew ang kontrata ng aktres sa Kapuso Network.
Ganern?!
Happy kami na personal na mabating muli ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa kanyang intimate birthday celebration na ginanap sa bonggacious house niyang The Secret Garden sa Busilak St., Mandaluyong City last Wednesday.
Present sa kanyang party with almost the same people na loyal friends ni Direk Brillante from his previous birthday celebration ang mga nakasama niya as founders ng Sinag Maynila Film Festival and Solar Entertainment Corporation president na si Wilson Tieng.
Spotted din namin sa party sina Ronnie Lazaro, Vince Rillon, Mark Dionisio, Ihman Esturco, Dennis Evangelista, Dante Balboa, Direk Lawrence Fajardo, at Jomari Angeles.
Marami sa mga bisita ni Direk Brillante ang nakapansin sa kakaibang glow at paglusog ng kanyang katawan kumpara last year. At 65, mas mukhang bumata si Direk Brillante.
Halatang natuwa at natawa siya nu’ng banggitin ito sa kanya ng entertainment media na inimbita niya on his 65th birthday party.
“Wala akong ipino-promote na gluta,” sabay tawa ni Direk Brillante.
Aniya, “I think it’s just a matter of feeling good inside. S’yempre the last time na nakita ninyo ako, katatapos ko lang magkasakit noon.
“Hindi ko naman inano ‘yun, ‘di ba? Pero nagkita-kita pa rin tayo kahit na ano, ‘di ba? Kasi sa akin, ‘yan ‘yung mga kaibigan, gusto ko lang makita, ganyan-ganyan.
“Nakikita n’yo naman, paulit-ulit lang ang mga guests ko, wala namang bago. Kung may madagdag, isa, dalawa lang, ‘di ba?”
When we asked his birthday wish, wala na raw siyang ganoon.
Esplika niya, “Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, ‘di ba? Ayoko nang magbasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Hahahaha! Nakaka-depressed.”
Pero okey lang daw, basta gawa lang siya nang gawa at malakas ang katawan.
Last month ay naging overall mentor siya sa Sinag Maynila Masterclass 2025, habang ang mga mentors sa masterclass on filmmaking ay sina Carlitos Siguion-Reyna, Arvin Belarmino, Javier Abola, Zig Dulay, Odie Flores, Ben Padero, Mike Idioma, Teresa Barrozo at Ruby Ruiz.
Pahayag ni Direk Brillante, “Sobrang nag-e-enjoy talaga ako pagdating sa ganyan. Kasi alam mo 'yun, parang ‘yun na ‘yung aking giving back. Nakakatuwa, kasi ang mga participants, mga professional, ‘di ba? May mga festival director na nga.
“Nand’yan si Harlene (Bautista), nand’yan si Dante Balboa, nand’yan ‘yung mga direktor. Nakagawa na rin sila ng mga pelikula. Nag-Cinemalaya.
“So, parang the mere fact na nandoon sila, nakakatuwa. Kasi parang gusto pa nilang matuto, ‘no? I hope I didn’t fail them. Eh, ako naman, napaka-competitive ko pagdating sa ganyan.
“Gusto ko, ‘yung mga estudyante, ‘yung mga participants, may natututunan sila.”
Sinimulan ni Direk Brillante ang workshop noon pang 2014 hanggang 2016.
“Tuwang-tuwa ako dahil iyong mga produkto kong artista, at saka naging direktor, nagkaroon na sila ng mga pangalan,” pagmamalaki ni Direk Brillante.
Aniya, “Nag-compete sa ibang bansa. Alam mo ‘yun, nakakatuwa. Kasi sa akin, sa mga nagbibigay ng ganyan, ng workshop, magme-mentor ka, parang fulfillment mo na ‘yan so far, alam mo ‘yun? Alam mong may natutunan.”
Ayaw namang isipin ni Direk Brillante na ‘yun ang way niya of leaving his legacy.
“Well, hindi ko naman iniisip ‘yun. Actually sa akin ngayon, dahil alam mo ‘yun, hindi na tayo bata, ‘di ba? ‘Pag nandu’n ka na sa age na kailangan mo talagang mag-give back, this is the time.
“I mean, basta feel good. Tapos just do good, kung ano ang magagawa mo,” lahad pa ni Direk Brillante.