top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

The social entrepreneur behind ‘Puno Sagip Buhay’

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 05, 2022





Hello, Bulgarians! Ngayong panahon ng pandemya, tunay namang lahat ay naniniwala sa kasabihang “Health is wealth”, kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming produkto at negosyo ang lumalabas sa market.


Kasabay ng pag-usbong ng mga ito ang pagkilala sa mga nasa likod nito, katulad ni ROQS International Consumer Health Corp. (RichCorp) President Patrick Roquel, isang social entrepreneur, founder at direktor ng Binhi Biofarm Company na nakikibahagi sa pagpapalaganap ng mga herbal medicinal plant sa Pilipinas at tagapagtaguyod ng kanyang sariling corporate social responsibility “Puno, Sagip, Buhay” na may pangunahing pagpapahalaga sa “I plant, I share, I save communities” mission.


Ang RichCorp ay modern green consumer company na dalubhasa sa mga natural organic ingredients para sa mga raw materials at health care (food supplement at herbal medicine), personal at household care, na pinagsama-sama ang yaman ng karanasan at kadalubhasaan sa pagbibigay ng mga makabago, mas pinabuti at global quality products na nagpapahusay sa pamumuhay, kalusugan at kagalingan ng mamimili. Ang layunin ng negosyo ay tulungan ang mga tao na mamuhay ng de-kalidad at komportable sa pamamagitan ng pagbuo ng epektibo, mahusay, at maginhawang produktong organic na mula sa mga natural na sangkap na may mataas na kalidad para sa mas madali, mas mahusay at mas kasiya-siyang buhay.


Ito ay negosyo na isinilang dahil sa passion for excellence, pagtukoy ng mga basic at hindi natutugunan na mga pangangailangan ng mga mamimili at nakatuon para magbigay sa mga mamimili ng personal, home and health care na solusyon na tinitiyak ang epektibong resulta.


Ang RichCorp ang gumawa ng Sto Pio Citronella Andas, all-natural derma armor spray at sanitizer; Loco Mosquin, hand and body moisturizer na may natural citronella oil; L’abriegO Citronella Aromatherapy insect repellent candle; HappyCha Lagundi Tea Beverage at Immune Advance capsule, quad power 4x immunity vitamineral mula sa green leaves ng lagundi at moringa na may non-Acidic na vitamin C at Zinc.

Para sa karadagdagang impormasyon ng mga produkto, maaaring tumawag sa 09228938883 / 09190001738 o sundan ang kanilang FB Page: Puno Sagip Buhay


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page