Thailand umentra sa semis, Myanmar binigo sa SEA V Cup
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Elyssa Nichole @Sports | July 17, 2026

Photo: Giniba ng Thailand ang Myanmar para makatuntong sa semifinals ng Southeast Asia Volleyball Cup (SEA V Cup), 25-15, 25-16, 25-19 kahapon sa Candon City Arena. Sina Nadapet Bhinijdee at Chaiwat Thungkham ang bumida sa laro nang sungkitin ng Thailand ang ika-2 panalo sa maraming laro sa Pool B. (seavcuppix)
CANDON CITY, Ilocos Sur - Umabante ang Thailand sa semifinals ng SEA V Cup matapos nilang dominahin ang Myanmar, 25-15, 25-16, 25-19, kahapon na nilaro sa Candon Arena.
Pinangunahan nina Nadapet Bhinijdee at Chaiwat Thungkham ang atake para sa Thailand upang sikwatin ang pangalawang sunod na panalo at upuan ang tuktok ng Pool B.
Matapos ang 4 set win sa Vietnam noong Miyerkules, ipinakita ng Thais ang lakas laban sa Myanmar upang makuha ang isang slot sa semis na lalaruin bukas, (Sabado).
Tumikada si Bhinijdee ng 17 mula sa 13 attacks at tig-2 blocks at service aces habang nag-ambag si Thungkham ng 10 markers kasama ang 9 kills at service ace para sa Thais na walang laro ngayong araw sa torneo ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ng City of Candon.
Maghaharap ngayong araw ang Vietnam at Myanmar na may makukuhang world ranking points.
Pakay ni Thungkham na bigyan muli ng korona ang Thailand matapos magkampeon noong 2025 sa SEA V League.
Samantala, nasa kukote ng Alas Pilipinas na manalo ngayong araw laban sa tigasing Indonesia upang manatili ang tsansa na makapasok sa semis. Ang top 2 teams sa bawat pool ay aabante sa semifinals bukas, (Sabado) habang sa Linggo ang finals.





Comments