Thailand, pipigilan ang suplay ng kemikal sa mga minahan sa Myanmar

ni Justine Berganio @Overseas | November 24, 2026

Photo: Circulated / Market Screener
Planong itigil ng Thailand ang pag-export ng mga kemikal na ginagamit sa pagmimina ng rare earth sa Myanmar dahil sa pangambang patuloy na nakokontamina ang mga ilog sa magkabilang panig ng hangganan.
Ayon kay Deputy Prime Minister Yodchanan Wongsawat, layunin ng hakbang na pigilan ang paggawa ng rare earth na nakalaan sa Myanmar at iba pang kaugnay na bansa.
Nakatakda namang magpulong ang Thailand, China at Myanmar sa Nobyembre 24 hanggang 26 upang talakayin ang isyu. Iniuugnay ang malawakang pagmimina ng rare earth sa Myanmar sa pagkalat ng nakalalasong kemikal sa mga ilog sa hilagang Thailand.
Plano rin ng pamahalaan na ideklarang “pollution control zone” ang bahagi ng Kok River sa panig ng Thailand upang mapigilan ang kontaminasyon at matugunan ang panganib sa kalusugan at kapaligiran.





Comments