top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Thailand, dinomina ang Pinay sa PNVF Int'l Challenge

BULGAR
Jun 13, 2022
1 min read

ni VA - @Sports | June 13, 2022



Ipinakita ng Thailand ang dahilan kung bakit kabilang sila sa mga nangungunang koponan sa buong mundo matapos dominahin ang Philippine women's volleyball team sa loob ng straight-sets, 25-13, 25-10, 25-16, sa PNVF International Challenge,noong Sabado ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Umpisa pa lang ay ratsada na ang mga Thais sa pagbubukas ng opening set ng 9-0 run hanggang sa tuluyang tapusin ni Sasipapron Janthawisut ang panalo ng kanyang down the line hit sa iskor na 25-13.


Sinundan ito ng 25-10 panalo sa second frame na tinampukan ng 16 na puntos mula sa attacks.


Hindi na sinayang ng koponan ni coach Danai Sriwacharamaytakul ang momentum at tuluyang tinapos ang laban sa pamamagitan ng 25-16 panalo sa third frame.


“This is something new to us also, we’ve never had this international friendly match here in the Philippines,” ani Alyssa Valdez. “Nagpapasalamat kami dahil every time we play against them [Thailand], andami naming natututunan."



“Nagkakaroon pa kami ng inspiration at bagong motivation as players individually and as a team also, na puwede pa naming ma-improve ‘yung mga sarili namin.”

Si Aby Maraño ang nanguna sa Team Philippines sa itinala nitong 6 na puntos kasunod si Dell Palomata na may 5 puntos.

Namuno sa Thailand si Pimpichaya Kokram na may 15 puntos kasunod si Sasipapron Janthawisut na nagposte ng 13 puntos.

Habang isinasara ang pahinang ito ay naglalaban ang Philippines at Japan para sa ikalawang exhibition match kahapon sa Big Dome kung saan idaraos ang Volleyball Nations League second week simula sa Martes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page