THAI BILLIONAIRE TRANSGENDER NA NA-LINK KAY CLINT, BAGONG MAY-ARI NG MISS U
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 28, 2022

Pagputok ng balitang nabili na ng bilyonaryang Thai transgender na si Anne Jakrajutatip ang Miss Universe ay marami na agad ang nag-connect sa kanya kay former Miss Universe Catriona Gray.
Hindi maiiwasan ito dahil nadawit ang pangalan ng ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad sa Thai businesswoman. Pangalawa, former Miss Universe nga kasi si Catriona.
So, malaki ang chance na ‘di lang sila magkita kundi magkasama pa sa Miss Universe pageant.
Unless, si Catriona mismo ang ‘di type na makita si Anne at hindi mag-join sa Miss Universe event, ‘noh!
Although, wala namang ‘ax-to-grind’ si Catriona kay Anne. For all we know, si Catriona naman ang nakipag-break kay Clint. At nagsimulang maugnay si Clint kay Anne after ng breakup nila ni Catriona.
Saka, bukod sa pera, ano naman ang dapat ika-insecure ni Catriona kay Anne para iwasan ang Thai transgender, ‘di ba?
In the same manner, isa lang si Clint sa mga local celebs na natsismis kay Anne. Pati pala ang kapatid ni Clint ay malapit din sa Thai businesswoman.
And then, naugnay din ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio kay Anne nu’ng bumisita siya sa bansa.
Sabi ng mga Marites, mabait at sikat daw si Anne sa Thailand.
“I'm part Thai, part Filipino, raised here in Thailand. Anne is not like Nawat, not even close.
She’s known here to be humble and whatever she has now, came from great dedication and hard work.
FYI, she has a lot of Filipino employees. She sponsored one of the events of our fam-biz and other small businesses around.”
Few days ago, may nakausap kami na local celeb na avid supporter ng LGBTQ. Napag-usapan namin ang tungkol sa Miss Universe at tinanong namin kung may balak ba ang kanyang billionaire friend abroad na bilhin ang naturang organization.
Pramis niya, 'pag nagkita kami, magkukuwento siya tungkol sa Miss Universe. Malay natin, malaki ang magiging part ng kausap namin na local celebrity sa bagong Miss Universe management.
Or, baka siya na ang gawing host sa magaganap na Miss Universe on January 15, 2023.
Let’s wait and see.





Comments