top of page
Search
  • BULGAR

TF NINA REGINE, JOLINA AT MELAI, ‘DI NA KINAYA, SHOW BABU

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 14, 2024



Trulili kayang graceful o silent exit na ang Magandang Buhay sa Kapamilya Channel dahil hindi na kayang i-sustain ang gastos ng programa lalo na ang talent fees ng mga hosts na sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco? 


Nabanggit ng aming kausap na baka ito ‘yung sa TV5 na hindi ipapalabas ang programa ng mga momshies dahil gustong ilagay sa 6 AM time slot?


Ipinagpilitan din namin sa aming kausap na nasulat namin dito sa BULGAR na wala na ang MB sa TV5 pero ang giit sa amin ay pati sa Kapamilya ay wala na.


Tsinek namin ang episode kahapon, Marso 13, at ayun na nga, napanood pa namin sina Regine, Jolina at Melai na nagbalik-tanaw pa sila sa mga bagay na ‘di na nila nagagawa ngayong sikat na sila. Tulad ng Asia’s Songbird na dati-rati’y nakakapag-mall pa at nanonood ng sine nang mag-isa at early ‘90s daw ito, pero ngayon ay hindi na niya magawa.


“Replay na lang lahat ‘yan,” diin sa amin.


Anyway, nagpadala kami ng mensahe sa Kapamilya Channel tungkol sa isyung ito pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming isulat ang balitang ito.


Bukas ang BULGAR sa panig ng Kapamilya Channel tungkol sa isyung ito.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page