top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

TF NI VICE, TINAWARAN, NAGTARAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 22, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 22, 2023



Sa panayam kay Vice Ganda, muli niyang inalala at binalikan kung magkano lang ang kanyang talent fee noon kapag may kumukuha sa kanya. That time ay isa na siyang singer-comedian.


Naalala niya nang kunin siya para sa isang gig kung saan P15K pa lang daw ang TF niya, pero tinawaran pa raw ang P15K na ‘yun.


Ani Vice, “Dati, meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita raw ako, sabi nilang ganu’n. Kasi tinanong ako, 'Magkano ka ba sa raket, 2-hour show?' Ganyan. Sabi ko, 'Ah, ano po, P15,000.' Tapos, sabi, 'Ay, puwede bang tumawad?' 'Ay, hindi po kasi natatawaran ‘yung talent.’


"Kasi ang puwede mong tawaran, ‘yung oras, iiksian natin ‘yung oras, pero ‘yung talent, hindi mo puwede tawaran.


"So, ‘pag binayaran mo ba ako ng P5,000, babawasan ko ‘yung jokes ko? ‘Pag binawasan mo ba ako ng P5,000, ninipisan ko lang ‘yung blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so, hindi n’yo puwedeng tawaran," paglalahad niya.


Hindi na binanggit ni Vice kung ano’ng gig ang kumukuha sa kanyang service bilang singer-comedian dahil baka masabihan na naman daw siyang maldita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page