TESDA at DOLE, joint forces para sa trabaho, negosyo
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 26, 2026

Photo: TESDA at DOLE nag-partner para sa “Trabaho to Training Program.” (Gina Pleñago)
Nilagdaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang Joint Memorandum Circular para sa trabaho at sariling negosyo ng mga nagtapos ng Technical Vocational Education and Training (TVET).
Nagkaisa ang TESDA at DOLE para sa kanilang mga programa upang madaling makakuha ng trabaho o magsimula ng kanilang sariling negosyo ang mga nagtapos ng technical vocational trainings.
Pinalakas ng dalawang ahensya ang kanilang partnership sa pamamagitan ng paglagda sa Supplemental Joint Memorandum Circular (JMC) ngayong buwan.
Pinangunahan nina DOLE Sec. Francis Tolentino at TESDA Sec. Kiko Benitez ang paglagda sa kasunduan para sa pangakong pagtutulungan sa employment facilitation, livelihood support at mga programa sa TVET.
Ang paglagda sa Supplemental JMC ay hudyat ng pagsisimula ng pagtutulungan ng TESDA at DOLE sa Joint Memorandum Circular No. 001, series of 2024.





Comments